Habang nasa loob ako ng bahay sari-saring ingay ang naririnig ko labas at hindi ko nalang ito pinansin kasi sanay na naman ako sa ingay naiyan lalo na kapag nandito si Zen pero ngayon na wala si Zen at ako lang dito mag-isa sa loob ng bahay na may mga nakabantay sa akin sa labas at talagang maingay kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari isama mo pa ang dumadaan na sasakyan sa labas kasi daanan ito dito ng mga pang-toristang bus kaya minsan may dumadaan dito pero hindi palagi kung minsan kada thirty minutes may dumadaan pero ang lakas ng tunog nito hindi din naman mawawala ang huni ng mga ibon at hangin na nadadala ang ibang maliliit na sanga ng mga puno. Kaya ang sarap tumira sa gitna ng kagubatan pero may panganib naman itong dala kagaya ng nangyari sa akin mabuti nalang niligtas ako

