Nagkatinginan kami ni Zen habang nasa harden kami ng palasyo nila kasi kakabalik lang namin galing sa pamamasyal naming dalawa at dito niya ako muling dinala upang kumain daw ako. Hindi pa namin nabibisita sina Cassania at Maverick na ngayon ay nagpapagaling parin silang dalawa dahil ang sabi sa akin ni Zen may parusa pa sila na kaialngan na harapin dahil iniwan nila ako at hindi dinala dito. Ang trabaho pala nila ay ang unahin ako sa ano mang bagay kaya dapat daw iniwan ni Maverick ang nakalaban niya at si Cassania t dinala ako dito at hindi ako hinayaan na pumasok ng mag-isa dito, sinubukan ko naman silang ipagtanggol pero wala akung magagawa kasi batas talaga nila iyon. Ang sabi sa akin ni Zen ang parusa nila ay gagawin lang kapag magaling na silang dalawa kaya kahit paano nakaginhawa a

