Third Person's POV "Psh," sabi nalang muli ni Nash habang nakatingin sa dalawa. "Please pakitype nalang ito. Pagod na kasi kamay ko," sagot naman ni Axel. "Ito po ba?" tanong ni Jessica na nakaturo sa papel ni Axel na itytype sa laptop. "Oo," sagot lang naman ni Axel at tumayo na sa upuan niya. Ibig sabihin na pinapaupo niya si Jessica. "Upo ka," sabi niya sa kanya. Pagkaupo lang din naman ni Jessica ay naupo na rin siya sa parang arm chair ng upuan. Kung titignan mo ay mapapaisip ka ng ang sweet ng dalawa sa pwesto nila. At yun din ang naiisip ni Nash sa mga panahong iyon kaya mas lalo pa siyang bumusangot at nakahalukipkip sa kanyang upuan. Nagsisimula na ngang magtype si Jessica sa trabaho ni Axel. "Ang bilis mo palang magtype," manghang sabi ni Axel sa kanya. "Kaya pala type na

