Third Person's POV Nakatitig lang si Jessica sa mukha ni Axel habang si Axel naman ay tinitignan ang cover ng libro. "Ang ganda ng napili mo ha," sabi nito nang lumingon na kay Jessica. Umiwas naman si Jessica ng tingin nang tinignan siya ni Axel. Dahil na rin siguro sa pagkailang. "Hmm Yesha?" nagtataka na si Axel sa mga ikinikilos nito. "Ahm bakit sir?" tanong niya na nakatingin sa malayo. "Teka ano bang tinitignan mo diyan?" tanong naman ni Axel at tumingin din naman sa direksyon na tinitignan ni Jessica kanina. "Ahh wala yun sir," sabi naman ni Jessica kaya binalik nalang din niya paningin kay Jessica. "Heto na oh," pag-abot naman ni Axel ng libro sa kanya. "Mahilig ka pala sa mga ganyang story?" tanong niya bago tuluyang bumalik sa table niya. "Ahh oo sir, ang interesting kas

