Third Person's POV "Jessica ano bang nangyayari?" tanong ni Nash pero hindi man lang niya ito nilingon. "Jessica," pag-uulit na tanong ni Nash sa kanya. "Sunset na oh, maggagabi na," banggit lang nito. "Hays nagtatampo ka pa rin ba dahil hindi ko sinabi sa'yo ang pinag-usapan namin ni Zeke," tanong niya pero hindi sumagot si Jessica at nanatili pa rin itong tahimik. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba, sasabihin ko lang mamayang gabi," sabi ni Nash. "Eh bakit hindi pa ngayon? Anong pinagkaiba mamayang gabi at ngayon?" pagpumilit pa rin ni Jessica. "Jessica... Gusto ko lang maging especially ang gabing iyon, kasama ka," Naguluhan man si Jessica ay patuloy pa rin siya sa pakikinig ng eksplanasyon ni Nash. "Isang pinakaespesyal na babae para sa'kin," sabi niya dahilan ng mas lalo pa niyang pagt

