Chapter 10

1051 Words
"Damn!!..." Tanging salitang namutawi sa bibig ng mapansing tototohanin niya pala ang kanyang banta. "Ok Grayson... Mas mabuti ito diba?" bulong ko pa sa sarili habang napapahawak din ako sa buong mukha ko. "Sabagay ay mas mabuti ito.. For us Grayson." At inisip nalang mas mabuti na siguro ang ganito. Ang mapalayo sa kanya... Dahil baka kung ganito ay makaiwas ako sa isang temptation. Na hindi ko din naman alam kung paano ko lalabasan kung sakali. At napailing nalang ako ng kuhanin ang dalawang blue bills na iniwan niya. Kinuha ko ito at tsaka naman muling tinawag ang waiter at nag order pa ng isang boteng red horse. Dahil muli ay gusto kong malasing kagaya ng dati. Yung pagdating ko sa bahay ay wala na akong pakialam pa sa kanila. Na hindi na ako maiinis sa tuwing makikita silang naghaharutan at nag uusap na para bang wala ako sa tabi nila. Muli naman akong napahawak sa sentido ko. Pakiramdam ko ay nanakit ito ng sobra ngayon. "Ma'am eto na po yung order niyong buttered corn at isang bottle ng red horse. Baka gusto pa kayo idagdag Ma'am?" tanong pa sa akin ng waiter. Mabilis naman akong umiling... "Wala na thank you." Sabi ko pa at mabilis naman ako nitong iniwan. At pagkatapos nga ay mabilis ko namang isinalin yung beer sa isang beer mug. Inalis ko din yung tissue na nakabalot dito dahil sa tingin ko ay masyado itong oa para sa akin. Nakaramdam naman ako ng satisfaction ng ng magsimulang mapuno ang mug ko ng beer. At hindi pa nga naiwasang tumapon ang bula nito sa mesa. "Salamat pa din sa two thousand pesos na iniwan mo Grayson. Atleast ay nag-iisa man ako ay kaya ko pa ding magpakalasing." Mabilis ko namang ininum ang laman ng baso. At sobrang nagustuhan ko ang lamig nito na tila kay bilis humagod sa lalamunan ko. Sa madaling salita ay mabilis ko siyang naubos and take note na hindi ko pa nagalaw ying buttered corn na dapat sana ay pulutan ko. Kaya naman muli pa akong nag order ng isa. "Pwede pala ako makishare sa table mo Ma'am? Hindi kasi masaya kapag nag-iisa lang uminom. Mas cool kung may kasama." Saglit naman akong sumulyap mula sa nakatayo sa harap ko. At bahagyang napangiti ng makita ang isang magandang batang babae na dala ding bote ng beer. "Sure honey, sige upo ka lang." Sabi ko pa. "Like me ay heartbreak ka din ba Ma'am, kaya naman nag-iisa kang umiinom dito?" Magalang na tanong naman niya, bago nagsalin din ng beer sa beer mug na dala niya. "Not really, gusto ko lang mapag-isa, something like that." Sabi ko pa, subalit pinili kong huwag siyang tingnan. "Ay ganon po ba Ma'am. The best ang place na ito para sa ganyan. Kaya naman madalas ako dito, lalo na kapag nag-aaway kami ng boyfriend ko." Sabi pa niya tsaka naman uminom ng beer. Sandali ko naman siyang pinagmasdan. Na kung hindi ako nagkakamali ay halos kasing edad lang siya ni Reese, ng anak ko. "About what naman ang mga nagiging argues niyo ng bf mo? Well, if you don't mind... Since nandito na tayo at hindi naman siguro masama yung itinanong ko, tama ba?" Ngumiti naman siya. At masasabi kong sobrang ganda niya. Tuloy ay lalo kong naaalala sa kanya si Reese. Dahil ganitong ganito siya. Ang kaibahan lang ay mukha siyang anak-mayaman. Dahil na din siguro sa mga accessories niya na tanging yung mga may pera lang ang kayang maka afford. "Madami po Ma'am, pero siguro ay pwede ko namang isa-isahin as we go further right?" Sabi pa niya tsaka naman muling uminom ng beer. "Ok lang naman sa akin yan, by the ako pala si Elena, Laine nalang for short." Pakilala ko pa sa sarili habang nakalahad ang kamay sa kanya. "Nice to meet you po, ako pala si Trixie, just call me Xie." Pakilala pa niya. "Such a nice name huh." Puri ko pa sa kanya "Likewise po Ma'am. Alam mo bang sobrang bagay sa inyo yung name na Elena? Maybe old fashioned pero sa pagkakaalam ko ay para sa mga magaganda lang ang name na Elena. Kaya naman bumagay siya sa iyo Ma'am." Natawa naman ako. "Compliment ba ito? Do I need to say thank you?" Natatawang tugon ko pa sa kanya. Patuloy lang kami nag-usap. At syempre patuloy lang ding uminom. Hanggang sa lumagpas na yata ako sa limit ko. Dahil halos naikwento ko na yata ang buong buhay ko. Pero ganon naman daw yata talaga. Na mas masarap mag confide sa taong hindi ka naman kilala. Atleast ay hindi ka nila i-judged basta basta. Dahil raw na raw para sa kanila kung sino kaba talaga. Kaya naman yung plano kong dalawang bottles lang sana ay naging apat pa. At dumating ako sa point na halos mamanhid na talaga ang buo kong katawan, again. At ito naman talaga ang gusto ko. "Sure kaba na kaya mo pa Ma'am? If ok lang naman ay may dala akong car. Pwede kitang ihatid, if you like lang po Ma'am." agad na offer naman niya sa akin. Mabilis naman siyang umalalay sa akin. "Alam mo, nakakatawa lang na para lang wala lang sa iyo ang nainom natin, while ako ay halos na groge na yata." Natatawang sabi ko pa sa kanya Patuloy naman niya akong niyakap at inalalayan at since babae din naman siyang kagaya ko, ay wala namang problema. Kaya hinayaan ko lang siya. Basta ibinigay ko lang ang buong bigat ko sa kanya. Habang sa tuluyan na nga kaming nakalabas ng restobar. "Ihh medyo malayo yung car ko Ma'am, kaya paba maglakad pa onti Ma'am? Worried na tanong pa niya. "Sige ok lang naman Xie." sabi ko pa na halos manigas na nga ang panga ko. Dahilan upang halos mautal na ako sa pagsasalita. At hindi na nga namalayan naisakay na niya ako sa kotse niya. At aaminin kong nakaramdam ako ng ginhawa ng tuluyan kong maisandal ang aking ulo sa headrest. "Maaari mo nabang sabihin yung address mo Ma'am?" Nakangiting tanong pa niya. "Pero kaya mo ba talagang mag drive? Samantalang tipsy ka like me?" Worried na tanong ko pa. Napangiti naman siya. "What if let's find other place Ma'am. Yung hindi malayo... Para safe tayo, do you agree?" "Huh?" Nagulat ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD