“Pinabalik daw ni Sir Maurr ang long test mo? Totoo ba iyon?” tanong ni Keri nang makasalubong niya ako sa canteen nang umagang iyon. “Oo. Baka namali ng counting. Three points na lang ang kulang ko para makapasa. Kainis!” sagot ko sabay lapag ng shoulder bag sa isang mesa malapit sa mga stalls ng pagkain. Ngumisi si Keri. “Bakit naman kasi hindi ka nag-aral. Nagbigay ako ng review materials ah.” Sinimangutan ko siya. “Huwag mo nga akong nilalansi riyan. Bakit cannot be reached ka last night? Sagot!” Pabiro ko siyang sinakal. Humagikhik ang bruha. “Your mom ----ano ba!” At humalakhak na ito sa kiliti. Pinagtinginan kami ng mga gurong nagbe-breakfast doon. Hindi ko sila pinansin. Sinakal ko pa kunwari si Keri. Sa kakaiwas niya may nasagi siyang tray. Napa-oops ang may hawak

