CHAPTER 5

1519 Words
Medyo gumaan ang pakiramdam ni Kate nang makita niya ang luntiang paligid. Nagpapaligsahan sa laki at taas ang mga puno ng tubo. Nakakaaliw naman pagmasdan ang malawak na maisan na akala mo ay may nakakalat na ginto sa gitna ng parang. Dahil sa kulay ginto nitong buhok. Sa kabilang panig ng malawak na lupain ay nakatayo ang bahay ng mga magsasaka na yari sa bato. Tuwang-tuwa na pinagmasdan niya ang mga batang nagpapalipad ng saranggola sa gilid ng palayan. "Mi amore gusto mo ba ang magagandang tanawin na nakikita mo ngayon?" "Yeah, it’s beautiful! And siguro naman sapat nang katibayan ang admiration na nakakikita mo ngayon sa mga mata para maniwala ka na sobrang gustong-gusto ko itong magagandang tanawin na nakikita ko ngayon. Alam mo Keeran feeling ko nakatayo ako ngayon sa isang Paraiso yakap-yakap ang gwapong lalaki na minamahal ko." Nanga-ngarap na wika niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata at dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. "Yes, mi amore tama ka maikukumpara sa isang magandang Paraiso ang lugar na ito. Palagay ko mi amore ang nakikita kong kasiyahan at paghanga sa iyong mga mata ay hindi paghanga sa paligid kung hindi sa gwapo kong mukha at taglay kong kakisigan." "Ano?! Pambihira ka talaga Keeran nag-i-imagine ako ngayon na kasama ko ang aking prinsipe tapos bigla kang mang-bubulabog. Grabi Keeran nakakainis ka talaga panira ka nang sweet moments diyan ka na nga." Nagmamadali s'yang bumaba sa sasakyan. Iniwan n'ya si Keeran na nakatulis ang nguso naiinis ito sa kan'ya dahil tinarayan niya ito. Hinabol siya ni Keeran at walang pakundangan na hinapit nito ang sexy niyang bewang. Gusto niya itong itulak palayo. Pero hindi niya magawa dahil nakatingin sa kanila ang mga magsasaka na nagpapahinga sa bahay kubo. "Magandang araw! Ho, Senyorito, Senyorita." Nakangiti sabay-sabay na pagbati sa kanila ng mga magsasaka. "Magandang araw po sa inyong lahat! Ipinakilala ko sa inyo ang maganda kong asawa na si Kate Aragon Salvador. Simula ngayon katuwang ko na siya sa pamamalakad nitong Hacienda. Kaya naman kung kayo ay mayroong hinaing oh, panukala na makakatulong sa lalong pag-unlad nitong Hacienda ay maaari ninyong sabihin sa aking mabait, maganda, masipag na asawa...!" Ipinagdiinan talaga ni Keeran ang salitang asawa kaya lalo siyang na inis dito. Sa sobrang pagka-inis niya tinadtad niya ito ng kurot sa tagiliran. Naiinis siya kay Keeran dahil tinatawag siya nitong asawa. Eh, samantalang hindi man lang siya nito niligawan. Ni hindi nga niya alam kung single ba ito oh, may kasintahan na. "Aaww...! Mi amore tama na masakit. Masanay na po kayo sa asawa ko naninipit po talaga siya kapag kinikilig at ang pangungurot po niya ay may halong pagmamahal. Kaya medyo masarap na medyo masakit." Nakangiwi na saad ni Keeran pilit nitong hinuhuli ang kamay niya. "Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng asawa dahil hindi nakakatuwa. Hindi mo na nga ako niligawan ngayon naman dina-daan mo ako sa santong paspasan." Nang-gi-gigil na bulong niya sa kaliwang tenga nito. "Mi amore five years na kitang nililigawan kulang pa ba iyon? Tuwing birthday mo one dozen of assorted roses ang binibigay ko sayo ah, hindi pa ba sapat iyon?" Bulong din nito sa tenga niya. Pikon na pikon na tinalikuran niya si Keeran lalo siyang na inis dito dahil lagi na lang itong nangangatwiran ng baluktot. "Senyorito, Keeran mukhang buntis po si Senyorita Kate at ikaw yata ang pinaglilihian niya dahil naiinis s'ya sayo kahit sa simpleng bagay. Gan'yan na gan'yan din Senyorito ang asawa ko noong buntis siya lagi niya akong kinukurot at lagi siyang nakasimangot." Narinig niyang wika ng isang magsasaka. Gusto niyang isigaw sa mukha nito na virgin pa s'ya mula bon-bonan hanggang talampakan. "Tama ka po Mang Domeng buntis nga po ang Misis ko kaya minu-minuto, oras-oras niya ako nilalambing, 'di ba Mi amore?" Nakabungis-ngis na tanong sa kaniya ni Keeran kinindatan pa s'ya nito. Gustong-gusto niyang tusokin ang mga mata nito at gusto n'yang kagatin nang mariin ang labi nito para tumigil na ito sa pang-iinis. "Mang Domeng hihiramin ko po saglit ang turong kalabaw sasakyan namin ni Kate paglilibot dito sa palayan." "Sige ho, Senyorito sandali lang po kukunin ko." Tinanguan ni Keeran si Mang Domeng pagkatapos nilapitan s'ya nito. Naka-simangot na tinalikuran niya ito. Inis na inis s'ya dito kung marunong nga lang siya mag-drive babalik na siya sa Mansion ngayon din. "Senyorito, Keeran ito na po si Turo. Mag-ingat po kayo sa pagsakay dahil baka mahulog kayo ni Senyorita." "Salamat po! Mang Domeng, Mi amore give me your hand kakargahin kita pasakay sa likod ni Turo." Gusto n'yang tumakbo palayo kay Keeran. Pero hindi niya ginawa dahil ayaw naman niya itong mapahiya sa harapan ng mga magsasaka. Napapikit siya nang umangat ang katawan niya sa lupa para lang siyang bulak na isinampa ni Keeran sa likod ng kalabaw. Nagtayuan lahat nang balahibo niya sa katawan nang dumikit sa likod niya ang mainit, maskulado nitong katawan. "Hindi ba tayo mahuhulog dito?" Kinabahan na tanong niya sa binata. Hindi siya mapakali dahil first time niyang sumakay sa kalabaw kaya hindi siya sanay. "No.... Hindi tayo mahuhulog kung hindi ka maglilikot and don't be scared mi amore, dahil aalalayan kita." Napasinghap siya nang pumulupot ang braso ni Keeran sa katawan niya. "Ano ba? Ahhh...! Keeran nang hihipo ka na ee... Hindi alalay ang ginagawa mo dahil sobrang higpit ng yakap mo sa katawan ko." Pinalo niya ang braso nito at sinabunotan n'ya ito ng mariin "Mi amore! Mi amore! Huwag kang malikot mahu-hulog tayo!" "Ahhh... Keeran!" Napatili s'ya nang malakas ng biglang tumakbo ang kalabaw. Gusto sanang rendahan ni Keeran ang kalabaw. Pero hindi nito magawa dahil nakahawak siya ng mahigpit sa braso nito. Kaya ang ending sabay silang bumagsak sa tubigan. "Keeran na saan ka na?! Bwisit ka talaga! Dahil sa kalandian mo hindi ako maka-kita ngayon." Hindi siya makamulat dahil puro putik ang buong mukha niya. "Andito ako sa tabi mo mi amore! Ha ha ha ha! Mi amore mukha kang tae ng kalabaw. Buong katawan mo nababalotan ng putik." "Pambihira ka talaga Keeran! Ikinumpara mo pa talaga ako sa tae imbis na tulongan mo akong tumayo. Naku! Keeran kung nakikita lang kita ngayon ilob-lob talaga kita sa putik!" Galit na sigaw niya habang kinapa-kapa niya ang paligid. Hinahanap niya si Keeran pero hindi niya ito mahagilap. "Sige, mi amore magalit ka awayin mo ako. Iiwanan talaga kita dito sa tubigan. Hahayaan ko ang mga linta na sip-sipin ang sariwa mong dugo." Nanginig sa takot ang buo niyang katawan nang marinig niya ang sinabi nito "Keeran totoo bang may linta dito?! Diyos ko! Keeran takot ako sa linta parang awa mo na buhatin mo ako. Please.... alisin mo na ako dito sa palayan." Natatakot, naluluhang paki-usap niya dito. "Okay, mi amore susundin ko agad ang utos mo kung hahalikan mo ako sa labi." "Ano?! Keeran seryuso ka ba oh, nababaliw ka na? Ang baho-baho ko ngayon at mukha akong tae pero gusto mo pa rin na halikan kita?" "Yes! Kate gusto kong halikan mo ako kahit na mukha kang sinementong tae." Nahihimigan niya ang pag-kaaliw sa boses ni Keeran. Pero dahil nga nakapikit siya kaya hindi niya makita ang reaksyon ng mukha nito. "Keeran hindi kita makita kaya mas mabuti pang ikaw na lang ang humalik sa akin." Hindi sumagot si Keeran pero naramdaman niya na pinunasan nito ang maputik niyang labi. Nang umangat ang katawan niya sa putik siya ring palapat ng labi ni Keeran sa basa niyang labi. Smacked lang ang halik pero damang-dama niya ang init ng labi nito. Naramdaman niya na lumubog ang katawan niya sa tubig kaya dali-dali siyang naghilamos. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata nasa malalim na parte siya ng ilog at si Keeran pinapanunuod siya nitong maligo. "Mi amore bilisan mo ng maligo para maka-uwi na tayo dahil pumapatak na ang ulan." Malumanay na saad ni Keeran bago ito sumisid sa ilalim ng tubig. Umalis siya sa libtong pumunta s'ya sa pang-pang. Ayaw niyang maligo sa libtong dahil na isip niya na baka sinisilipan siya ni Keeran kaya sumisid ito sa ilalim ng tubig. Katatapos lang niyang maligo siya namang pag-ahon ni Keeran sa ilog. "Hey! Mi amore ayaw mo bang lumangoy? At alam mo ba sa mababaw na bahagi ng ilog may naka-dikit na linta sa bato." Nang marinig niya ang salitang linta dinamba niya ng yakap si Keeran at para siyang bata na lumambitin sa leeg nito. "Señiorito kargahin mo na ako papunta sa kotse at please lang umuwi na tayo ayaw ko na dito. Ayaw ko makapitan ng linta Diyos ko!" Nangi-nginig sa takot na paki-usap niya dito. "Mi amore kailangan lang pala kitang takotin para yakapin mo ako ng mahigpit." Nakangisi na wika nito. "What?! So ibig sabihin walang linta dito? Tinatakot mo lang ako?" "Hindi kita tinatakot mi amore, totoo talagang may linta dito. Kung ayaw mong maniwala ibaba na kita." "Keeran huwag mo akong ibaba! Naniniwala na ako sa sinasabi mo. Ito nga oh, ang higpit-higpit nang pagkakayakap ko sa leeg mo." "Hahaha!" Na aaliw na pinagtawanan s'ya ni Keeran habang naglalakad ito sa ilog kasabay ng malakas na pagpatak ng ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD