KABANATA 83 NINONG ANTHONY ( POV ) KINABUKASAN AY HINDI MUNA AKO sumama kay Daniel sa lupain ko at ba-bantayan ko muna si Maris baka lumayas bigla ang dalaga dahil 'di ko siya pinayagan na sumama sa boyfriend niya. Habang nasa puder ko siya ay hindi sila magkikita ng boyfriend niya. Wala akong pakialam kung magalit siya sakin. Ang importante ay mailayo ko siya sa boyfriend niya bago dumating sina nanay. Isang linggo lang na merun ako bago ko siya makuha sa boyfriend niya. Kung kinakailangan na akitin ko siya ay gagawin ko, bumalik lang siya sakin. Si Lyka naman ay hindi parin nagpaparamdam kaya hinayaan ko muna. Si Maris na lang muna ang iintindihin ko. Ayaw ko silang nakikitang magkasama ng boyfriend niya dahil nagseselos ako. Ang lakas parin ng tama ko sa inaanak ko. Nagsisisi talag

