Chapter 33 LYKA SARMIENTO POV NAGULAT AKO NG TUMIGIL ANG sasakyan ni Daniel sa tapat ng bahay ni Anthony. Kaya hindi ko napigilan magtanong sa binata. " Anong ginagawa natin dito?" Taka kung tanong sa kanya. Napangiti naman siya sakin. " Ipapakilala kita sa kaibigan ko." " Pero kilala na nila ako." Nagtataka ko parin tanong sa kanya. Naguguluhan ako sa kanya. May ngiti parin sa labing lumapit sakin at hinawakan ang mga kamay ko saka mataman na tinititigan sa mga mata. " Alam ko, baby. Pero ipapakilala kita bilang asawa ko." Saad nito. " Alam naman nila." Wika ko. Noong kinasal kami ay hindi inimbita ni Daniel ang mag-asawa. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman siya lang ang walang kamag-anak o kaibigan sa kasal namin at puro kamag-anak ko. " Gusto ko parin ipakilala ka. Ngayun pa

