DANIEL & LYKA!! LYKA SARMIENTO POV DALAWANG BUWAN ANG LUMIPAS ay kasal na rin kami ni Daniel kaya dala kona ngayun ang apelyido niya. Nakatira kami sa isang maliit na apartment dahil ang pinapagawang bahay ni Daniel ay hindi pa tapos kaya dito muna kami pansamantala. Sa bahay ng mga magulang ko sana kami titira dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko ngunit hindi pumayag si Daniel. Hindi niya kasi magagawa ang mga nakasanayan na niya. Katulad ng paglabas labas niya sa gabi at pangbabae niya. Hindi niya iyon magagawa kung sa bahay ng mga magulang ko kami titira. Kagaya ng pangako kona gagawin niya parin ang mga gusto niya. Kaya naman gabi gabi siyang wala sa bahay at palaging nasa bar para uminum saka mangbabae. Wala naman sakin iyon dahil 'di ko naman siya mahal. Kaya ko lang naman

