Chapter 45 LYKA SARMIENTO POV NAKAUWE NA SA BAHAY ANG ATE ko. At nalaman na rin ng mga magulang ko kaya naman ay nagalit sila kay Jobert pati samin dahil nilihim daw namin. Sa bahay ng mga magulang ko pinatira sina ate Laura at mga bata. Kasi simula ng ma-hospital si ate at iwan sila ng asawa niya ay naging tahimik ang ate ko. Wala siyang ginawa kundi umiyak at magmokmok sa kwarto niya. Nag-aalala tuloy ang mga magulang ko sa kanya. Pati ang mga bata ay apektado na rin. Hindi makapag-aral ng maayus ang mga bata dahil sa pag-aalala sa kanilang ina. Kinausap kona siya pero gano'n parin siya. Mahal na mahal niya talaga ang asawa pero hindi na siya mahal. Mas mahal niya pa ang asawa kesa sa mga bata. Kaya naman naiinis ako kapag naaalala ko iyon. Sabi niya kasi sakin babalik lang siya sa

