Chapter 43 LYKA SARMIENTO POV PAGDATING NG HAPON AY dumating si Daniel para sunduin ako. Hindi pa dumarating ang iba ko pang mga kapatid at mamaya pa raw. Pero uuwe na ako at sinusundo na ako ng binata kaya ang magkapatid na lang muna ang magbabantay sa kanilang ina. Gusto kona rin naman umuwe dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako kapag nakikita ko si ate na ganito. Umiiyak at tulala, nagwala siya kanina ng hindi dumating si kuya Jobert. Tapos sinabi pa ni Jonas na hindi na babalik ang kanilang ama dahil nabuntis na nito ang kabet niya kaya mas lalong nagwala si ate. Tinurukan na lang siya ng pagpapakalma para kumalma ito. Subrang naaawa ako sa kanya at hindi ko mapigilan umiyak. Naaawa na rin ako sa pamangkin kung si Sarah dahil kanina pa siya umiiyak. Namumugto na lang ang mga mata n

