KABANATA 93 NINONG ANTHONY ( POV ) NATIGILAN AKO NG MAKITA KO SI LYKA sa saloob ng bahay ko. Nagulat talaga ako dahil wala naman siyang text o tawag sakin. Kaya naman ay nagulat ako. " Lyka." Wika ko ng makalapit sa dalaga. Galing ako sa kwarto at katatapos ko lang maligo. Mabuti na lang ay nasa kwarto na niya si Maris at doon natulog kagabi. Nagpakasawa na naman kami kagabi sa isa't isa kaya panigurado ay galit na naman si Daniel dahil maingay na naman si Maris. Kung nagkataon ay baka mahuli kami ni Lyka. " Hi, Hon." Masaya naman nitong sambit na tumayo sa kinauupuan at yumakap sakin ng mahigpit. " I miss you." Natigilan ako at hindi nakapagsalita na kusang yumakap ang mga kamay ko. Ngayun na lang ulet kami nagkita matapos niyang magalit sakin. Umalis siya at sumama sa mga magulang

