DANIEL & LYKA 08 DANIEL SEBASTIAN POV DUMERETSO AKO SA BAHAY ni Anthony dahil ayaw ko pang umuwe. Para akong walang bahay kung umasta. Maaga pa naman kaya ayaw ko pang umuwe. Sana lang ay gising pa ang kaibigan ko para may makausap ako. Hindi kona siya makasama sa inuman dahil may sarili na siyang pamilya at nagagalit si Maris kapag inaaya ko siya. Pagdating sa lugar nila Anthony ay bumaba na ako ng sasakyan saka pumunta sa bahay nito. Umakyat ako patungo sa taas saka kumatok sa pintuan. Matagal bago bumukas ang pintuan at niluwa no'n ang kaibigan ko kaya napangiti ako dahil gising pa siya. " Anong ginagawa mo dito?" Kunot ang nuo na tanong niya sakin habang salubong ang kilay. " Bakit bawal?" Nakangisi kung sagot saka pumasok sa loob na hindi pa naman ako pinapapasok. " Huy! Umuwe

