Chapter 49 LYKA SARMIENTO POV NANG MAKALABAS NA ANG Daddy ni Daniel sa hospital ay pinaghanda siya ng mga kamag-anak nila dahil sa pangalawang buhay nito. Kaya naman nakilala ko ang ibang kamag-anak nila. Hindi pa daw iyon lahat ang pumunta at marami pa raw silang kamag-anak. Grabe nga, sa subrang dami nalula ako sa kamag anak niya. Parang buong barangay ang pumunta. " Hey." Napangiti ako ng lumapit sakin ang mahal kung asawa. May kinausap lang siyang kamag-anak kaya iniwan na niya muna ako sa pwesto namin. Napagod kasi ako kakatayo kanina dahil pinakilala niya ako sa lahat ng kamag anak niya. Masayang masaya ako dahil pinakilala na niya ako sa kanyang pamilya. " Kamusta?" Tanong ko naman ng makaupo na siya sa tabi ko at niyapos niya ako patagilid. Napaka-sweet niya kahit maraming

