Chapter 18 LYKA SARMIENTO POV MABILIS KUNG TINULAK SI Daniel at baka makita kami ng mga magulang ko. Gusto ko man ang paglapat ng labi niya sa labi ko ay naiinis parin ako sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit nandito siya ngayun. Samantalang dati naman ay hindi niya ito ginagawa. Hinahayaan niya lang ako. " Bakit kaba nanghahalik? Atsaka bakit ka nandito?" Mariin na tanong ko sa kanya habang nakatingin dito at lumingon sa mga magulang ko. Mabuti na lang ay busy sila sa kanilang ginagawa. " Sinusundo ka." Nakangiti niyang sagot saka pasimple na pinasadahan ng tingin ang binata. Mukhang hindi pa naliligo ang binata at nakapangbahay lang siya. Pero gano'n pa man ay ang gwapo parin niya at malakas parin ang dating niya. Mas lalong lumitaw ang ka-gwapuhan nito dahil sa simpleng suot ni

