Chapter 35 LYKA SARMIENTO POV PAGDATING NAMIN SA BAHAY ay binati kami ng mga katulong namin sa bahay. Pagkatapos ay dumeretso na kami sa taas at pumasok sa loob ng silid. Sinapo agad ni Daniel ang mukha ko saka siniil ng halik sa labi. Mukhang nag-iinit na agad siya. Gumanti naman ako ng halik at mapusok kaming naghalikan. Makalipas ng ilang sandali ay kumawala na kami sa halikan saka parehong ngumiti. Nakita kung may pagnanasa na sa kanyang mga mata. " Maliligo kaba o mag-halfbath ka lang?" Malambing niyang tanong sakin na panay ang halik sa labi ko. " linis lang. Ikaw?" Balik tanong ko sa kanya. " Maliligo ako. Galing ako sa mga babuyan ni Anthony eh." Sagot nito saka muli na naman akong hinalikan sa labi na tila sabik na sabik. " Pero mauna kana muna. After mo ay ako naman." Wika

