KABANATA 95 MARIS SANDOVAL ( POV ) PATUNGO KAMI SA KABILANG bayan ni ninong para bumili ng mga gamit sa kwarto ko. Ayaw ko sana dahil 'di naman ako palagi doon natutulog at sa kwarto na niya. Kaya lang makulet si ninong para daw kapag gusto niya matulog sa kwarto ko ay may malambot na kama. Hinayaan ko na dahil pera naman niya iyon. Nagsisimula na naman siya i-spoiled ako. Kahit hindi ko gusto o hindi ko tinatanggap ay binibili niya para sakin. Gano'n niya ako kamahal. Parang katulad lang ng dati. Sa bahay naman ay siya palagi ang kumikilos kahit pagod na siya. Tumutulong kasi siya sa mga tao niya habang nasa bahay niya ako. Hindi ako lumalabas at baka pag-tsismisan kami ng mga tauhan niya. Tapos ay ako naman ang nagluluto ng pagkain namin. Minsan ako ang naglilinis ng bahay at na

