KABANATA 53 MARIS SANDOVAL ( POV ) HINDI MUNA AKO SASAMA kay ninong dahil may gagawin pa ako sa bahay. Marami akong gagawin ngayun, like maglaba dahil marami na akong labahan. Palagi kasi ako pumupunta sa bahay ni ninong para tumulong kaya hindi ako nakakapaglaba. Kaya naman ngayun ay tambak na ang labahan ko. Pero ayus lang naman dahil may washing machine kami sa bahay. Binili iyon ng mga magulang ko para sakin dahil panay ang reklamo ko. Marami akong nilalabhan pero kasalanan ko naman kung bakit marami. Dati kasi ay every monday, Wednesday at sabado ang laba ko. Pero ngayun ay kung hindi pa tambak ang labahan ko ay hindi pa ako maglalaba. Baliw na baliw kasi ako sa ninong ko at gusto ko ay palagi ko siyang kasama. " Hi, sweety." Napalingon ako kay ninong ng marinig ko ang boses ni

