KABANATA 17 MARIS SANDOVAL ( POV ) MASAYA AKONG UMUWE SA BAHAY NAMIN. Galing ako sa bahay ng kaibigan ko at ikiwento ko ang nangyare samin ni ninong. Tuwang tuwa ang gaga dahil iyon na daw ang una at bibigay na ang ninong ko sakin. Sana dahil ang hirap niyang akitin. Pero nawala ang ngiti ko sa labi ng hindi ko masilayan ang gwapong mukha ni ninong Anthony ko sa bahay namin. " Ninong, nay?" Tanong ko sa ina ng maabutan ko siya sa kusina habang nagluluto ito ng hapunan kasama ni ate buntis. " Wala pa. Hindi pa umuuwe." Baling sakin ni nanay. " Andiyan kana pala. Saan ka na naman galing?" Tanong pa niya sakin. " Kina Sheena po, nay." Sagot ko sa ina saka pumunta sa taas para i-check si ninong sa taas kung nasa kwarto na ito. Baka hindi lang napansin nila nanay si ninong na umakyat na.

