KABANATA 79 MARIS SANDOVAL ( POV ) PAGOD NA PAGOD AKONG HUMIGA SA malambot na kama dito sa condo ni Miggy. Ilang araw na kaming walang ginawa kundi mag-gala, kumain sa labas at mamasyal dito sa manila. Grabe, hindi ko akalain na maganda pala dito sa maynila. Ang daming pwedeng puntahan at kainan. Sa ilang araw namin dito sa manila ay marami na akong na puntahan at kinainan dahil kay Miggy. Grabe ang galante ng binata. Ang sarap niyang maging jowa dahil lahat ng gusto mo ay ibibili niya. Sa pagsama ko sa kanya sa maynila ay hindi ako nakaramdam ng lungkot at pangungulila. Bagkus ay masayang masaya ako dahil sa ginawa namin. Nakalimutan ko pansamantala si ninong. Pero naalala ko na naman siya ng i-add niya ako sa EFBI. Merun pala siya no'n. Akala ko wala, tapos hindi ko sana i-accept kay

