KABANATA 59 MARIS SANDOVAL ( POV ) IMBES KUMAIN AY HINANAP KO SI NINONG. At nakita ko naman siya habang kasama niya si Lyka at may mga kausap sila na matatanda. Sumama agad ang mukha ko. Sabi ni ninong sakin lang siya tatabi. Ano 'to? Bakit si Lyka ang kasama niya? Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa selos na aking nararamdaman habang nakatingin ako sa kanila na masayang nagtatawanan. Inis akong tumalikod at baka sugurin ko pa sila. Matinding pagpipigil ang gingawa ko ngayun. Pero may nabangga akong tao kaya inis ko siyang tinignan ng masama. " Ano ba! tanga kaba? Nakikita ko bang may tao?" Mariin na singhal ko sakanya para hindi ako makagawa ng ingay. Natawa naman ang lalake ng mapakla. " Ako pa 'tong tanga? Ikaw nga 'tong bigla bigla namamangga." Sabi nito kaya tinignan ko pa

