KABANATA 41 MARIS SANDOVAL ( POV ) PAGDATING NAMIN SA BAHAY TAPOS NG KUMAIN ANG MGA MAGULANG KO. Kaagad na nagtanong si nanay kung saan kami galing. Kinabahan naman ako bigla kasabay ng pagkabog ng dibdib at lumingon sa ninong ko. " May tinapos lang ako 'nay. Para hindi na gawin bukas." Nakangiting sagot ni ninong sa nanay kona may ngiti pa sa labi para hindi magduda ang mga magulang ko kung saan kami galing. Gagawa kasi ng kalokohan pero takot naman kapag nakita na ang mga magulang. " Gano'n ba? Oh sige at kumain na kayong dalawa. Kami ay aakyat na, inaantay lang namin kayong dalawa." " Sige po. Salamat po 'nay." Saad naman ni ninong humalik pa kay nanay saka kumaway kay tatay. Tumango naman si tatay tapos ay ngumiti naman ako. Bumaling pa sakin si nanay bago umakyat sa taas. " Ikaw

