Chapter thirty seven Apple's .......................... I sighed when I saw Drix standing in front of my apartment's door first thing in the morning. Malamang na kanina pa ito sa labas base sa nakita kong dalawang stick ng sigarilyo na naubos na at mga upos na nakakalat. "G-good morning." Medyo reluctant na bati niya sa akin. "You're smoking?" Binitawan na ni Drix yung pangatlong stick na mukang ka sisindi lang at saka inapakan. "I'm just stressed." "Quit smoking, Drix. Huwag mong sayangin sa mga walang kuwentang bagay ang buhay mo." Napailing na lang ako dahil hindi ko naisip na ang pag lelecture about sa kahalagahan ng buhay ang lumalabas sa bibig ko pagkamulat na pagkamulat ko pa lang sa umaga. Pag gising ko kasi kanina ay namataan ko sa labas ng bintana ang bulto ni Drix kaya na

