Chapter forty five Dashiele's …………………………… Kinabukasan Eksakto ala's siyete kinagabihan ay puno na ng mga close friends and relatives ng mag asawang Seven at Haydee ang buong bulwagan na nasa kalagitnaan ng resort. Most of the people are wearing a simple dress and beach attire. Nakasuot lang ako ng puting long sleeve at cream na pants habang si Lexie naman ay naka dress lang ng kulay puti din na pinaresan ng flat na sandalyas. Si Sunset ay naka yellow dress at kandong-kandong ko siya sa upuan. Kasalo namin sa table ang parents ko at buong pamilya ni Lexie, including her twin brother Larx. Hinahanap ng paningin ko ang nag-iisang babae na halos magpabaliw sa kaniya mula pa noon. At sa table na medyo may kalayuan sa kanila niya ito namataan. May buhat buhat itong sanggol na mga nasa five o

