Chapter forty one Apple's ……………………………… Pagkagaling ko sa shop ay umuwi na din ako habang dumiretso naman kay Tiffy si Drix. In two days ay mag popropose na ang kaibigan niya sa bestfriend ko at masaya ako para sa kanila. Ng tanungin ko si mommy kung nasaan sila ate at Marco ay sinabi niyang nasa park daw ang dalawa. Nag mamadali naman akong sumunod duon para lang makitang wala naman pala sila dun. Aalis na sana ako para umuwi na lang ng mahagip ng tingin ko ang bulto ng lalaking umuugoy ng swing ng isang batang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ito- kahit kailan naman ay hindi ko nakalimutan si Dashile Quintania. Bumalatay ang sakit sa dibdib ko ng makita ang glow nito sa mukha habang nilalaro ang anak siguro ng mga ito ni Lexie, they bith look perfect. Kaiba ang ligayang n

