THERESE'S POV PINASADAHAN KO NG tingin ang tinawag ni Ciara na Kalil, iyon yata ang pangalan ng lalaki. Masasabi kong maayos namang pumili si Ciara. Halata sa lalaki ang salat sa yaman. Kayumanggi ang balat nito, kitang-kita ang pagiging pinoy. Talaga ngang ito ang tipo ng kaibigan ko. Moreno at maputi ang ngipin. Iyon kasi ang tipo niya sa isang lalaki. Wala siyang pakialam kung mayaman ito o mahirap. Kung ano ang trabaho nito at kayang ibigay sa kaniya. Dahil sabi nga niya, kaya naman daw nilang gawin iyon nang magkasama. Tutal, may sarili naman siyang business, papalawakin na lang. Kaya hindi talaga siya naghahanap ng mayaman o kilalang pamilya, kahit iyon naman ang gusto sa kaniya ng mga magulang niya sakaling payagan na siya ng mga ito na maging malaya sa pagmamahal. Ngunit dahil na

