THERESE'S POV BIGLA AKONG NAG-PANIC nang mapagtantong nasa syudad kami ngayon. Sa pag-iisip ko kasi ay hindi ko na naiwasang hindi maging lutang. Mabuti na na nga lang at hindi ako nadapa sa paglalakad. Hindi ko na kasi namalayan na malayo na pala ang nilakad namin. Hindi ko naman natatandaan na sumakay kami ng sasakyan o ano, nagulat na lang ako at nandito kami ngayon sa harap ng isang fast food chain. Gusto ko sanang magbunyi dahil sa wakas, makakakain na ulit ako ng mga totoong pagkain. Hindi naman ako sa mahilig sa ready to eat food, feeling ko kasi, ito na ang last source ko para makakain ng meat. Simula nang mapadpad ako sa islang iyon, ni minsan ay hindi ako nakakain ng kahit anong karne. Puro isda, lamang dagat o hindi naman kaya ay gulay. Mabuti na lang at marunong akong maglu

