THERESE'S POV SUNOD-SUNOD AKONG napalunok habang tinitingnan ko ang mga galit na mata ni Ross na nakatingin sa akin. Tumayo siya kaya ganoon din ang ginawa ko pero hindi pa rin napapatid ang tingin niya sa akin. Naiilang na ako pero wala akong magawa kundi ang labanan iyon. Gusto kong iiwas ang paningin ko sa kaniya dahil hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng takot dahil lang sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Kitang-kita ko ang nag-aapoy sa galit niyang mga mata. Kitang-kita ko rin ang sakit doon. Bakit ganito ang reaksyon niya? Bakit siya nagagalit sa akin ngayon? Hindi ko maiwasang hindi manginig. Bakit ganito ang pakikitungo niya? Bakit bumabalik siya sa katauhan noong unang beses ko siyang nakasama? Ano bang masama sa sinabi ko? Tinanong ko lang naman siya kung plano niya bang

