THERESE'S POV "CIARA? FCK! WHAT are you doing here, biatch?" Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya nang may nanlalaking nga mata. Anong ginagawa ng babaeng 'to rito? At kailan pa siya sa lugar na ito? Bakit wala akong alam? Gusto kong sapakin ang sarili ko. Siyempre, matagal akong nawala. Natural, wala talaga akong alam sa mga nangyari. Pero kahit pa. Anong pumasok sa isip nito at nandito ito ngayon sa harapan ko? Pinasadahan ko siya ng tingin. At mas lalo akong nagulat nang makitang wala na ang mga alahas niya sa kamay na hindi naman niya hilig hubarin. Iba na rin ang kasuotan niya, kung dati lang ay para siyang nakapang-alis pero pambahay niya lang daw iyon, ngayon naman, tulad ko, mukhang sa mumurahing tiangge o ukay-ukay lang nabili ang suot niyang damit. Hindi na rin plantsad

