DEAR STRANGER CHAPTER 25: Someone Like A Stranger HINDI ako mapakali sa loob ng aking kuwarto. Narinig ko kasi na may kausap si lola sa may sala at pagsilip ko ay naroon si Kai. Kagaya ng sinabi ng lalaki no’ng nakaraang araw na pupunta siya rito sa bahay kapag nag-jogging siya. Mag-aalas-siyete palang at hindi pa ako gumagayak sa pagpasok ko sa café. Dali-dali tuloy akong naghilamos ng aking mukha at saka nag-ayos ng buhok. Nagpalit din ako ng t-shirt at shorts para naman maayos akong tingnan kapag nakita ako ng lalaki. Inihanda ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa kusina at saka pinuntahan si lola at Kai roon. Nakasuot ng hoodies at joggers ang lalaki na bagay na bagay naman sa kanya. Lahat naman ata ng damit na panlalaki ay bagay kay Kai dahil sa average na katawan niya at kat

