MP 13-14

3905 Words
TRESE Yung relationship na kailangan pa ring itago dahil sa trabaho. Napagkasunduan namin ni Xyn na huwag masyadong showy sa public dahil maraming mata ang maaring magsumbong sa amin kay Miss Ingrid. Mabuti na ang maingat bago ko pa madisapoint si Miss. "Tulala ka diyan?" Kaway ko ng kamay ko sa tapat ng mukha niya. "ha? Wala. Naging mas strikto na talaga si Miss ngayon. The way she looks ate me, parang inuusig niya ako. Gosh ha." "UHm baka kasi may record ka?" biro ko sa kanya. "Kaming tatlo."seryosong sagot niya. "Never mind na nga lang. Ang mahalaga ay nakakasama pa din kita. Kahit kanina pa kita gustong halikan." Fifteen minute break pa bago ang shoot niya. Hindi ako ang may hawak ng project na to. Nag-alibi lang ako na gusto kong manood since marami din akong matututuhan sa mga photographers nila. Friends ko na rin yung ibang models kaya parang wala akong ibang agenda nga dito. Anglakas rin mambisyo ng mga to. Niyayaya ako ng date! Sa harap ni Xyn. Siyempre wala silang alam sa relasyon namin kaya ganito sila. "I'm not into dating now." Mapagkumababa kong sagot."More focus ako sa work." "uhm sayang naman." panghihinayang ni Yen. "Pag may time ka na ha? Text mo ako." I don't even have her number! Ha ha. Naku naman. Nagsibalikan na sila sa mga make up artist nila. Si xyn lang ang naiwan. Uusigin yata ako nito. "May gusto kang sabihin?" "Naeenjoy mo ang pakikipagflirt nila sayo no?" "huh? Flirt na yon? Nagiging friendly lang sila." "Whatever." Tumayo na siya. "masyado yatang malakas ang appeal mo para tumambay sa mga shoots ko. Last na to Chloe." Ano daw? Grabe naman to pag inatake ng selos? "okay last na. Balik na ko sa office." Nagbeso ako pero mahigpit yung hawak niya sa braso ko. Babakat yata ang kamay ng girlfriend ko e. "Mapapatahimik ko sila if I will kiss you. But damn. Ayaw kitang eexpose lalo." Haha! Jealous! "Oh sige friend. Aalis na ako." With intense sa friend para may makarinig. Nagpaalam na din ako sa ibang models. Pagkasakay ko sa kotse chineck ko ang phone ko for messages. Girlfriend time daw kasi kanina kaya hindi ako nag-attempt na magcheck ng phone. Nothing important naman. Mga pang-iistorbo lang nina Rica at Pie. Then nagring ang phone ko. Si Maam Nikee. >>Hello madam Nikee! Anong maipaglilikod ko sayo? (Hindi ako makakauwi mamaya. I-lock mo ang gate at mga pinto ha?) >>>teka firs time to. san ka matutulog maam? (Sa coteacher ko birthday kasi niya. nakakahiyang tumanggi.) >>>Nagpaalam ka kay kuya Kein? (Hindi na kailangan. Tinatawagan lang kita para ipaalala na i-lock mo ang pinto. Makakalimutin ka pa naman. SIge na. Ibaba ko na to.) >>>wait lang... yung coteacher mo babae o lalaki? (Lalaki. . sige na. bye na.) >>>Ano?!!!! Teka nga! Binabaan ako ng tawag! Lalaki yon! Boyfriend ba niya? Teka hindi pwedeng dun matulog yon. Masyado ba akong negative mag-isip? What if may mangyari? Luh anong pakialam ko naman din diba? Pero meron akong pakialam. Pag may nangyari dun anong sasabihin ko kay Kuya KEin? Paulit-ulit kong tinawagan ang phone niya. Hindi na sinasagot. Baka may klase na din yon. Bumalik na ako sa office. The usual routine pag nasa work. Matagal kaming nakapagdecide sa mga pics na ipapasa kay Miss Ingrid. But all in all naman maganda ang feedback. "I will give you time to prepared your papers. By next week pupunta na tayo sa Australia." Excited ang dalawang kasama ko. AKo? Slight lang. May kung anong pumipigil sa akin e. "Chloe, are you still with us?" maotoridad na tanong ni MISs. "Yes maam. May naalala lang ako." "Okay then. You may now go home. Magpahinga na kayo." Palabas na ako nang tinawag ulit ni Miss ang pansin ko. "Yes maam?" "I hope you won't let your personal issues get into your job." "I assure you maam." May kakayahan bang magbasa ng isip tong si Miss? But anyways, siguro marami na siyang employees na naencounter kaya ganito na lang siya makapag-aasses ng behavior ko. 95% accurate. Makaalis na nga. Pagbukas ng elevator ay saglit akong natulala. Naistatwa. Si Gie! Yung nakaiwan ng bag. Yung ex ni Sanxyn! At karga-karga niya ang baby niya. "Awkward yung feeling. Pumasok na ako sa elevator pagkatapos kong sampalin ang sarili ko sa imagination ko! "hi. It was nice seeing you again."Bati ko sa kanya. "Hello. Same here." Nasa may likuran ako. Si baby parang nakikipaglaro sa akin. Palipat-lipat ng side ng balikat ni mama niya e. Nginitian ko siya tas siya nagclose open ng kamay. Halla! Ang-adorable. Wala sa sariling inilapit ko ang daliri ko sa kanya. Anghigpit ng hawak niya dito. Tas naggiggle. "Sorry sorry."hingi ng tawad ni Gie. "Baby naman." "No. It's okay. Ang-adorable ng anak mo." Angel Christine ang name ng baby. Nice name. Nagbukas na ang elevator. PAghakbang naman niya ay natapilok naman siya. Buti na lang at naagapan ko sila ni Baby. "God!" napasinghal siya. Sa sakit malamang. "Amin na muna si Baby. Kaya mo bang maglakad?" Tumango naman siya. Karga ko si Baby habang siya naman ay nakakapit sa braso ko. Naku! Xyn! Angclumsy ng ex mo! Iika-ika pa din siya hanggang sa marating namin ang upuan malapit sa station ng receptionist. "teka hindi ako marunong maghilot." Nag-alangan kong sabi. "It's okay." Sagot naman niya. Inalis niya ang sandals niya at hinilot ang kanyang paa. "Buti nalang marunong ka no? Sorry talaga ha?" "Okay lang. Natutunan ko lang to sa kaibigan e. Para daw pag natapilok ako hindi ako magpapahilot sa kahit kanino." "Mind if I ask? Anong ginagawa niyo dito?" "Pinatawag kasi ako ni MISs Ingrid. Nabalitaan niya ang nangyari sa asawa ko. So she ask me if I still want to go back to modeling. Para din daw sa anak ko." "and?" "Pag-iisipan ko pa." Me, Sanxyn and her in one company. Kakabahan na ba ako? Pero tama rin naman. Para kay Christine, kailangan niya ng work. Si Baby Christine Sinasabunutan na ako! tas Kinakagat na tainga ko. Gutom na yata to e! Hinatid ko sila sa parking lot. Sinalubong kami ng driver niya. Yayamanin! May driver! "thank you ulit ha?" "Welcome." Sabi ko na may ngiti. "Pag-isipan mo yung alok ni Miss ha? para kay Christine."pisil ko pa sa pisngi ng baby niya. "bye little princess!" -- "Angtanga tanga mo!" halos mabato ako ng libro ni Rica. "Sa ginagawa mo para mo na ring pinalapit ang trouble sa relasyon niyo ni Xyn." Nandito nga pala kami sa book sale sa mall. At nag-uusap kami ng ganitong topic habang nagtitingin siya ng libro. Lakad-lakad-usap-usap. "Mahirap ang maging single parent." Seryosong sagot ko naman. "Kailangan niyang magtrabaho para sa anak niya. Alangan sabihin ko. uy huwag mong tanggapin dahil baka magkatrabaho kayo ng ex mo na girlfriend ko na ngayon at nagseselos ako. " Pag-eexagerate ko. "Napakaselfish ko naman diba?" "Ewan ko sayo. Sinabi mo na ba kay Xyn na nagkita kayo ng ex mo?" Umiling ako. "Nak ng! Kailan mo sasabihin?" "Kailangan pa ba yon? Hindi naman lahat kailangan kong sabihin sa kanya." Ibinalik niya yung libro saka seryosong tumingin sa akin. "Yes. Kailangan.Kumbaga sa isang kwento Pivotal experience yon. Na pag hindi sinabi sa bida ay maaring magalit siya. Gets mo ba? Trust ang isyu dito Chloe. Trust." "Fine. Sasabihin ko mamaya." "Okay. Parang bago ka sa relationship. E nagkaroon ka naman na ng Gemini before." "I never mentioned about her exes. She shut me once and I don't like it when people give me that feeling." "okay. Pero iba si Gemini kay Xyn." -- Pagkauwi ko ay tinawagan ko na si Xyn. After kumustahan ay nahirapan ako kung paano ko ioopen sa kanya yung topic bout her ex. (Babe may problema ba?) >>>hmmm may sasabihin sana ako? (What is it?) >>>Babe I saw your ex. Nag-usap kami. Inofferan siya ng work ni Miss Ingrid. Para masuportahan niya si Baby Christine. And I think kailangan mong malaman to na nagkita kami. at baka magkita pa kami. tayong tatlo kapag tinanggap niya yung offer. (Mabilis ang pagkakasabi ko. Walang preno) (Oh okay. And? May sasabihin ka pa?) >>>and the baby is cute. Out of nowhere! Yun talaga ang nasabi ko? yung cuteness ng baby? (haha! God! Why do I feel like you're getting a pale look now? Uhm actually katatawag lang din ni Miss Ingrid. I was about to tell you. Naunahan mo lang ako.) >>>Bakit tumawag? (She ask me to convince Gie. She was an asset to Persona before. Gusto rin siya maibalik ni Miss.) >>>anong stand mo dito? (I don't know. Parang awkward na ako pa ang kukumbinsi sa kanya? Nothing personal but I think it's quite awkward. >>>Siguro. Pero malay mo hindi mo na siya kailangang kumbinsi kung ipaprioritize niya ang anak niya. (maybe. Can we talk about other things naman babe?) So there. Change topic na. She's being random again. Panay daw ang tanong ng mga models na kasama niya tungkol sa akin. May isang oras din kaming nag-usap. -- Past 10 na. Angboring! Ampf. Wala akong kausap. Yung dinner ko instant noodles lang. Papunta na ako s kwarto nang magring ang phone ko. Si maam Nikee! Baka nagbago ang isip. Magpapasundo? >>>Hello maam. . (remind lang kita sa mga lock. Nailock mo na yung gate?) Lagot! Hindi pa nga. (Oh hindi ka nakasagot. Don't tell me nakalimutan mo.) >>>ito na..ito na.. Nagmadali akong lumabas. Damn. Ni-lock ko na lahat ng pinto. Ilang minuto lang ay binalikan ko siya. >>>Okay na. (medyo hingal kong sabi agad sa kanya) (Okay. Good.) "maam! Shot na! Balik ka na dito!" >>>wait! Nag-iinuman kayo? (Oo. Birthday. What do you expect? Sige na ibaba ko na to.) Hay. First time na hindi dito matutulog si maam. At nasa inuman pa.at nagsungit siya ha. Nagtanong lang ako e. Makapagkape na nga muna. Kape. Kachat si Xyn. Solve na! Solve na nga ba ako? Bakit may kaunti akong alinlangan sa sarili ko? Kung sa mahal ay mahal ko si Sanxyn. Masaya akong kasama siya. Masaya na tanggap kami ng family niya. Pero hanggang kailan kaya ganito? Paano na lang pag nagmeet ulit sila ng ex niya? What if may feelings pa rin? Lalo ngayon biyuda naman si Gie. Napahilamos ako sa mga naisip ko. Langya! Iiwas-iwasan ko na talaga ang magbasa ng love stories! Mga textbooks na lang ni Maam ang babasahin ko! 1;00. Hindi talaga ako makatulog! Sumasakit na ulo ko! Maistorbo nga si Pie. Haha! Videocall! Pie: oh? May problema ba? Ala-una na... Me: Pie! Hindi ako makatulog... Pie: obvious naman. Wazzup? Asan ang girlfriend at ako ang iniistorbo mo? Me: e naggod night na ako kanina. Baka tulog na. Mhie, hindi ako makatulog. Punta ako diyan. Pie: Oh nabaliw ka na naman! Ala una na magdadrive ka pa? Wala bang work bukas? Pwede ako meron. Maaga ang call time ko. Me: nakakaiyak naman. Wala kasi akong kasama dito. Pie: alam mo? Weird mo. Matagal ka namang walang kasama diyan tapos ngayon iinarte ang sleeping time mo.. Me: Kasi naman Pie. Noon hindi ako nag-i-stay nang matagal dito diba? Diba? Pie: oo nga. Oh pano yan? Kailangan ko ding matulog. Maaga ako bukas. Try mo si Rica baka gising pa diwa nun. Nagpaalam na rin ako. Nag-log in ako sa sss. It's been a while na kailangan ko ng sss para maantok. Autoliker ako! Like lang nang like. Oh may picture na naka-tag si Maam Nikee. Ang caption: Inuman lang walang iyakan. Hindi ko ni-like. Nagbrowse lang ako ng mga pictures nila. Inuman na swimming pa. Para tuloy gusto ko ng Vitamin SEA! Ampf. Inggit ako. Teka! Yung isang lalaki nakaakbay kay maam. Boyfriend kaya niya ito? Nagiging tsismosa na rin yata ako. Bumalik na ako sa newsfeeds. Baka maging certified tsismosa na ako kapag tumagal pa ako sa pagbabrowse. Makapag-post nga. "It's been a while." Haha! Muntanga no? yan talaga ang pinost ko. Hay naku! Paano ba makatulog? Hay. Gosh! I feel desperate now. Bakit ngayon pa ako bibisitahin ng insomnia. Bandang alas tres. May nagbusina sa labas. Sumilip ako sa may bintana. Busina pa rin. Gosh naman oh. Baka magnanakaw to o criminal. Nagring ang phone ko. Si maam Nikee. >>>Hello maam... (Hello? Hello?) Ibang boses. Boses lalaki! >>>hello. Sino to? (Uhm pwedeng pakibuksan tong gate? Nagpahatid kasi si Hope. kaso nakatulog naman sa byahe.) >>>Wait. Binaba ko na ang tawag. Agad akong lumabas para pagbuksan siya. Binuhat niya bridal style si maam Nikee. "Diyan na lang."turo ko sa sofa. Hindi ko naman to kilala kaya ayokong pumasok siya sa kwarto ni maam no. "marami ba siyang nainom?" Umiling siya. "Pagod at antok lang yan. Ayaw matulog sa bahay e. Inaaway na ako gusto umuwi." "Pasensya ka na ha? Sir...?" "Richard..." nagkamay kami. "So paano? Mauuna na ako ha?" Hinatid ko siya sa labas para mai-lock na rin ang gate. "Sige po sir. Happy birthday." Ngumiti naman siya. "Sige. Bye." Pagbalik ko sa loob ay wala na si maam sa sofa. Lagaslas na lang ng tubig ang naririnig ko. Pumasok na ako sa kwarto. Nagmusic ako. Napahikab na rin. Maybe this is goodmornight. Atlast. -- KATORSE -- Masalimuot. Productive. Nakakapagod. Ganyan ko pwedeng idescribe ang mga lumipas na mga linggo. Dahil sa hindi gaanong nagkakatagpong schedule namin ni Sanxyn hindi na kami nakapag-usap bago ang flight ko papuntang Australia. Tama rin yata ang sabi ni Rica na gulo lang sa relasyon namin ang pagconvince ko kay Gie na tanggapin ang offer ni Miss Ingrid. Madalas kasi silang magkasama. May project na yung mga batch nilang models ang mafefeature sa isang magazine (RISE OF PERSONA and title ng issue) at simula nun hindi na may mga dumating pang offers sa kanila. Sinasabi naman ni Sanxyn sa akin. Minsan gusto ko nang mainis pero sumasagi sa isip ko yung mga pagkakataon noon kami pa ni Gemini. Marami siyang opportunities na napalampas dahil sa akin. Dahil ayoko sa mga taong makakasama niya. Urgh! Sabunot ko sa buhok ko. "Miss are you okay?"tanong ng nitong Koreano na katabi ko sa eroplano. Pauwi na kami sa Pilipinas. "Yes." "Seems you're not. Headache or something?" Umiling ako. "I just miss home." "Okay...Sabi mo e." Nagulat ako na marunong siyang magtagalog. Napangiti siya. Inilahad niya ang kamay niya. "Mathew... " "Chloe." Tipid ang ngiti niya nung nagkamay kami. Ayaw daw niya ng malungkot na byahe kaya kwento lang siya nang kwento. Yung mga jokes niya sa totoo lang korni. Pero nadadala naman niya. Pure Korean pero sa Pilipinas na nanirahan ang pamilya since 5 years old siya. Nang mahalata yata niyang inaantok na ako tumigil na siyang magkwento. "Sorry...angdaldal ko..." "Okay lang. Pero kailangan kong matulog. Nahihilo na kasi ako." Ipinilig ko ang ulo ko saka pumikit. "hey..." rinig kong sabi niya. "Bakit?" "Use this." Binigay niya sa akin yung travel pillow niya. "Hindi rin naman ako inaantok." -- Si Sanxyn ang sundo ko ngayon. Yakap at halik sa labi ang salubong niya sa akin. Tumikhim si Mathew na kasunod ko lang pala. Pinakilala ko siya kay Sanxyn. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa. "Thank you sa pagsundo ha?" "Sino pa bang susundo sayo ha? may iba pa ba? Siyempre girlfriend mo lang." "Baka po kasi pagod ka sa shoot. Kumusta kayo ni Gie?" "May nagseselos yata ah..." "Wala. Nangangamusta lang. Kumusta si Christine?" "Makulit pa rin. Laging kasama sa location. May yaya naman. ayaw iwan ni Gie sa bahay. Kaya yung bata naeexpose na sa maraming tao. Umiiyak pag kinakarga ng iba. Ako, si Gie at yata niya lang nakakapagpatahan sa kanya e." "Cute..." "Hey..." pisil niya sa kaliwang kamay ko. "kasi nagtanong ka kaya nagkwento ako. Sorry." "Okay lang naman. wala namang problema sa akin." Okay lang pero may kaunting kirot akong nararamdaman. -- May three days akong pahinga. Girlfriend time. Ngayon lang ako makakabwi sa kanya e. Maaga akong bumangon. Iniaayos ko ang kumot sa hubad na katawan ni Sanxyn. Naghanap ako ng pares ng pajama sa closet niya. "Where are you going babe?" inaantok pang tanong ni Xyn. "Ipagluluto po kita kamahalan. Matulog ka na muna diyan mukhang pagod ka e." Naghanap ako ng pwedeng iluto sa ref. Tocino na lang ito madali e. May call time kasi siya ng 9:00. Okay na ang breakfast! Gigisingin ko na siya. nakatalukbong siya nang pumasok ako sa kwarto. "babe gising na. ready na ang breakfast." "10 minutes pa..." "Malilate ka sa shoot..." "10 minjutes please..." "Sige. Maliligo na ako.Driver mo ako ngayon. huwag kang kokontra." Anglapad ng ngiti niyang tinanggal ang kumot. "Sabay na tayong maligo babe?" Binalik ko ang kumot. "Huwag ka nang humirit. Naku!" Tatawa-tawa siya nang naghahanap ako ng isusuot ko. "babe! May extra key ako ng banyo. Papasukin kita." "Huwag kanga no diyan Xyn. May work ka pa." -- Masisira daw ang figure niya kung ako lagi ang magluluto. Siyempre mapipilitang siyang kainin kahit hindi masarap dahil ayaw niyang mabadmood ako. "Huwag mo na akomng bobolahin babe kasi hindi ako masarap magluto." "Maraming effort to kaya masarap. Gusto mo ba talagang sumama sa shoot? Hindi ka pa nakapahinga nang maayos e." "Oo. Girlfriend time after ng hectic sched. Don't worry sa kotse mo ako matutulog kapag shoot na." Sa location na kami. Hi and hello sa mga kilala ko dito. Nakita ko na agad si Gie dahil kay Baby Christine. Siguro alam na rin niyang girlfriend ako ni Sanxyn. Hindi na kasi siya nagulat nang magkasama kaming dumating. Nilaro-laro ko muna si Chirstine na panay ang blow ng laway. Haha! Angcute. Nakipagtitigan pa siya sa akin. Anong trip ng batang makulit na to? kargahin ko kaya? Haha! Ito pala ang gusto ha? "Yaya, magliwaliw ka na muna. Ako na muna mag-alaga kay baby." Hindi naman umalis si yaya. Baka kagalitan ni Gie. Okay bahala ka diyan. Naglibot-libot kami ni baby sa Maze ng flowers. Hay! Napapahikab ako. nararamdaman ko na yung pagod. Binalik ko na siya sa stroller. Nagtungo ako sa kotse. Inopen ko ang bintana at ipinilig ang ulo. Fresh air is love! -- Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip. Tanaw ko sina Xyn mula dito. Karga niya si baby Christine habang nakasalang sa shoot si Gie. May kurot sa puso. Bakit parang tadhana na yung gumawa ng dahilan para magkita sila ulit? Nilapitan ko sila. "Hi babe. Good morning na sayo." Bati sa akin ni Xyn. Hinalikan ko siya sa noo. "good afternoon na po..." "How's your sleep?" "Okay naman. Nagugutom na ako e. Hi baby. Kumusta ang pangungulit?" Aba! Sumiksik sa leeg ni Xyn. May favorite tong batang to ah. Nakakaselos uy! Lam mo yon? haha. Patulan ba ang bata? "Sorry Xyn..." si Gie yan. "amin na muna si baby. Kulit mo bee!" nagnose to nose pa sila. "May pinagmanahan yan."Natatawang sabi ni Xyn. Bumaling siya sa akin. "After dito saan mo gustong pumunta?" "Ikaw bahala. Somewhere lang basta kasama kita." "Sus! Bumabawi ah." Shoot na ulit sila. Kami ulit ni Baby Christine ang magdadamayan. May selos besh! Sigaw ng puso ko. inalalayan naman ni Xyn lahat ng models na umakyat sa ginawang props pero bakit may kong ouch nung si Gie ang inalalayan niya? Hmpf! "Baby, masaya ka ba ngayon?" Alangan sasagot to diba? Tiyanak to pag sasagot! Hay. -- After ng simple dinner namin ni Xyn ay umuwi na rin kami agad. HInayaan ko muna silang mag-usap ng parents niya via skype. Nagbrowse naman ako sa f*******:. May mga tag pictures si Xyn. Natutok ang pansin ko sa picture na magkasama silang tatlo nina Gie at Baby Christine. Karga ni Gie si Baby. Si-nave ko ito. Ewan ko kahit hindi niya sabihin nararamdaman kong may iba pa rin sa kanila e. Tiningnan kong mabuti ang ngiti niya. Ikinumpara ko sa pictures na magkasama kami. Ang pag-ibig ay maaring makita sa larawan. Sa ngiti pa lang. Sa mga ningning ng mata. Bakit ko pa patatagalin to kung malakas naman ang pakiramdam kong hindi siya sigurado sa akin? Tapos na silang mag-usap. Tumabi siya sa akin at yumakap sa beywang ko. "Babe angtahimik mo." "Pagod lang din ho." "Just stay here tomorrow okay? Punta lang ako sa office then balik agad." "Uhm Xyn..." "Yes babe?" "Anong feeling mo na kawork mo si Gie? Anong feeling mo na nakakasama mo silang mag-ina? Yung totoo?" "babe... ano ba yang tanong mo?" Yung garalgal ng boses niya may hindi siya maamin sa akin. "Let's be honest here Xyn. May parte sa puso mo na masaya diba? Na nagkita kayo ulit. Diba?" Hindi siya nakasagot. Lumuwag ang yakap niya sa akin saka siya umayos ng upo. "Why do we need to talk about this? Hindi na importante yun. Ang mahalaga ay tayo." "Importante yon dahil nakikita ko na mas masaya ka kapag kasama mo sila kaysa sa kin." "Chloe naman e. Don't confuse me please." "Nung wala ako, Sila ang madalas mong kasama diba? Nagkwento si yaya kanina. Nung nagkasakit daw si Christine ikaw ang kasama ni Gie na nag-alaga." "Babe..." "Ayokong mahirapan kang pumili kaya ako na lang ang iiwas. Hindi ko rin gusto na may kaagaw sa atensyon mo. Mas maigi na yung ganito." Hindi siya umimik. Bukas na bukas ay uuwi na ako sa apartment. -- Maaga akong gumayak. Hindi kami nag-iimikan habang nasa byahe. Red light. Napamura siya. "Ako na lang ang magdrive."sabi ko. "Ako na." "Xyn..." Nagring ang phone niya. Naka-ear piece naman siya kaya sinagot niya ito. "Hello... Ano? Bakit? Okay...papunta na ako..." "Pwedeng sa hospital na muna tayo? Nahulog daw sa kama si Christine. Nagpapanic na naman si Gie." Bata na yon! Emergency pa tatanggi pa ba ako? Parang fast and furious magmaneho si Sanxyn. Sa hospital na kami. Iyak nang iyak si Gie. Inalo siya ni Xyn. Hello girlfriend here sabihin ko sana pero kagabi lang ay pinalaya ko na pala siya. May malaking bukol si Baby. Hayan may sungay tuloy. Tsk tsk. Siguro kailangan munang manatili dito ni Xyn. Tinatawagan ko na si Kuya Kein. Available siyang sunduin ako. "Xyn, nagpapasundo ako kay Kuya Kein. Samahan mo muna si Gie dito." "Sure ka?" Tumango ako. "kita na lang tayo sa work kung sakali." "Gie mauna na ako ha. see you around." Napakaimpossible naman kasing hindi kami magkikita dahil nasa iisang company kami. Nasa parking lot na si Kuya. Itransfer lang namin yung mga gamit ko na nasa kotse ni Xyn. Nakapamabahay pa si kuya Kein! Haha! "Ito na ba lahat bunso?" "Yes kuya." Bumaling ako kay Xyn. Niyakap ko siya maybe for the last time ang ganitong yakap. "Thank you." "I love you still." "Pero mas mahal mo siya. Sige na balik ka na sa kanila. Madali palang mataranta si Gie. Kaya dapat huwag kang pasaway." "Bakit angdali mo akong ipaubaya?" namumuo na ang mga luha niya. "Dahil alam kong hindi ka naman magiging totally masaya sa akin. Alis na ako. Bye na. See you around." Last hug then sumakay na ako sa kotse. Hindi ko na siya nilingon. Baka bigla pa akong bumaba at bawiin ko ang desisyon ko. -- "Masyado kang mabait bunso. Nagparaya ka kaagad. Hindi ka man lang lumaban." "Hindi mo lang nakita nag reaction niya nung tumawag si Gie. Worried na worried siya kuya. Hindi man niya aminin, nararamdaman ko yong sobrang concern niya. Bakit ko ba to inieexplain sayo? E hindi mo rin naman magegets." "Ewan ko sayo. Basta ang alam ko kung mahal mo ipaglaban mo. Ano yan? Lagi kang talunan? Lagi kang magpaparaya?" "Kapag alam mong may mas magpapasaya sa kanya sumuko ka na. Yun ang alam ko kuya. Kaysa makihati ako sa atensyon niya." Hindi na siya umimik. So hello single Chloe again! "Free ka bukas?"tanong niya. "Yep. Kuya ha. Baka date na naman yan." Natawa naman siya. "Baka lang gusto mong makidate agad bunso. May kilala kasi ako crush ka." "Huwag na. Wala na akong freebies sa spa!" "Joke lang. Nakalimutan mo na yatang birthday mo bukas."-- Shoot! Pari birthday ko nakalimutan ko na! -- Abala si Maam Nikee nang makarating kami ni Kuya. Angdami niyang niluluto! Nandito rin ang ilang estudyante niya. "Anong meron? May fiesta?" "May outing kami bukas. Sila nga pala yung mga handle ko sa summer class." Lima sila. Abala sa paghahanda ng foods. Pinatigil ko muna sila para makapagmeryenda. "Saan kayo bukas? Overnight?" "Batangas." "Maam sama din kayo." Sabi nung nakasalamin. Gregory yata name nito. "Libre naman maam. Kami yung may-ari ng resort. Sabi ni papa unlimited guests daw e." "Pag-isipan ko." "Sige na bunso. Sama ka na. Alangan magcelebrate ka ng birthday mo mag-isa dito." "Birthday niyo naman pala maam e. sige na." pamimilit ulit ni Gregory. "Sama na kayo..." "Bahala na... Magpapaalam lang ako sa boss ko." Inihiga ko muna. Wala na akong girlfriend! Damn! Bakit ganito ang buhay. Kung hindi ikaw ang isasakripisyo, ikaw naman ang magsasakripisyo. Kung sasama ako bukas kailangan kong magpaalam kay Miss Ingrid. Lakasan lang ng loob ito! Tumawag ako sa office. Ikinonek ako ni Miss Zynthia sa line ni Miss Ingrid. (Hello Dela Merced Speaking...) >>>Hello miss...Chloe po ito... (What can I do for you Chloe? Nakakapanibagong tumawaga ka.) >>>Hmm maam, can I extend my leave isa or dalawang araw lang. (Reason is?) >>I am planning to go to Batangas tomorrow maam. Baka kasi overnight ako dun. Kung pwede lang po. Magrereport ako agad sa Thursday maam. (Okay sige. Ubusin mo na lahat ng leave mo coz you're going to Barcelona on June.) >>>Okay po. Thank you maam. Ah teka maam, ako na naman? Baka may masabi na yung ibang photogs? (Busy sila nasa Japan nga sila ngayon e. The company is growing Chloe sana hindi mawala ang focus mo) >>>No worries maam. Thank you po ulit. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD