--7--
December 2014. Christmas Day.
Dahil sa trabaho ay dito ako sa Paris magcecelebrate ng pasko. Katako-takot na bilin ang narining ko nung umuwi ako. Si nanay nga maluha-luha pa nga nung paalis na ako.
Hindi nga ako nagkamali, tinanong nila kung may problema kami ni Gemini.
Tsismoso kasi si Kuya. Ikinwento na pala lahat sa kanila. Sabi na nga dapat hindi ako nagkukwento ng masyadong personal dun.
Marami din talaganag namamatay sa maling akala. Dahil inihanda ko na ang tainga ko nung para sa sermon, pero wala akong narinig.
Sabi lang ng tatay ko, kahit nasaktan ako ay wag akong gaganti o kaya ay manakit ng ibang damdamin pero hindi pa daw niya tanggap ng buo ang preference ko. Bigyan ko daw siya ng panahon.
"Hey Chloe." Si maam Roxie. "Hindi ka ba nag-eenjoy sa party?"
Si Miss Ingrid ang nagpaparty.
"You should have bring your boyfriend or girlfriend here." Sabi ulit niya. "Perfect place."
"Single e." tipid kong sagot. "Marami naman kami oh."
May ilang din namang solo dito. Kaya keri lang. Lumapit naman sa amin si Miss Ingrid. I-escpae n asana si Roxie pero tinawag siya nang malakas ng tita niya.
"Saan ka pupuntang bata ka? Asikasuhin mo ang mga bisita."
"Katulong ako ganun?"
Nag-abot ang kilat ni Miss Ingrid. "Uumpisahan mo na naman ba ako?"
"Sabi ko nga."talo ang bata. Haha. Nakakatuwa silang panoorin. Namiss ko tuloy ang nanay ko.
Inaya ako ni Miss Ingrid na sa may Table na nila ako maupo. Mukhang pasan ko daw kasi ang daigdig.
Medyo nahihiya ako pero buti na rin ang ganito kaya malungkot pa ako. Nasasalo lang ako ni Sophie sa mga conversations kaya keri na lang din. Parang spokesperson ko nga siya e.
"Miss Chloe, Why didn't you bring someone with you?"tanong ni Miss Ingrid.
"uhhh. Wala po kasi akong maisip na isama. Busy mga kaibigan ko."si Sophie yan.
"Boyfriend?"
Pero napatingin siya kay Sophie.
"Naku maam.Broken hearted to. Yun ang main reason kaya wala siyang kasama dito. Soul searching ang gusto e."
"I see. Kung hindi ko lang kilala ang boyfriend mo Sophie iisipin kong may ugnayan kayo ni Chloe. You look good."
Bakit parang namula si Sophie? Ako? wala namang dating sa akin yung napansin ni Miss. Madalas ko na kasing naririnig yun. Sanay na ako.
"Bagay ba kami?" natatawa pa niyang sabi. "Kung papatol nga din ako sa babae Miss e first choice ko na tong si Chloe e. Maganda talented at wagas magmahal."
Random conversations na. Buti na lang nailihis na ang topic. Kung hindi e gusto ko nang lumubog dito sa kinauupuan ko.
Hindi ako sanay na ako ang nasa hotseat.
Pero akala ko lang pala na nakalusot na ako. Binalikan kasi ako ng pansin ni Miss Ingrid. This time may inabot siyang bag sa akin.
"You'll need that especially now that you're working with Persona."
Phone?! Ito nga yung ayaw kong magkaroon ako e. Akala ko pa naman ay Camera. Tsk.
"Kasama na sa basic needs ang phone ngayon Chloe. Besides, if you're working with our company kailangan on call ka lagi. Do you get me?"
"Yes maam. Thank you."
Hay. Phone.
"Favorite ka yata ni Miss ah." Siniko ako ni Sophie. "Baka type ka."
"Adik. Baka naiinis kamo dahil hindi ako makontak. Tamo kanina parang pagalit na."
"ikaw kasi. Puro ka emo. Saka isipin mo na lang para sa trabaho yang phone ndi sa love life."
May note pala na kasama nag phone.
You have a big potential. Don't let your personal problems get into your work. Focus and everything will be okay. Work hard. –Ingrid Dela Merced
Kung may tiwala si Miss sa akin hindi ko siya dapat biguin.
--
Rest day kinabukasan. Mas pinili kong sa kwarto lang. Mag-iipon ako ng tulog. Hindi pa nga ako naliligo e.
May nagba-buzzer. At sure akong si Sophie yan. Siya lang naman ang uma-umagang nakikitresspass dito e.
"Good morning Chloe The Great!" Tuloy-tuloy siyang humilata sa sofa. "Merry Christmas Chloe! Anong plano ngayon?"
"Anong anong plano?"
"Duh! Rest day. Christmas. Wala kang balak mamasyal?"
Umiling ako. "Matutulog ako. Kung gusto mong mamasyal, de go ka na. Sayang ang oras oh."
Nagpameywang siya. "Hindi ka makakamove on kung ganyan e. Labas tayo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "This is not about moving on. This is about having good sleep."
"ini-english English mo na ako ha." nagcross arms naman siya. "Limited lang ang oras natin sa mundo chloe. Huwag masyadong malungkot at maging loner. Get a life."
Yun lang at lumabas na siya. Madali sabihin ang "get a life" para sa mga taong masaya.
Nagvideo call kami ng pamilya ko sa Pilipinas. Ngayong lang kasi yung pasko na hindi kami magkakasama. Medyo malungkot pero trabaho e.
--
Hindi makapaniwala si Sophie na hindi ako lumabas.
"Anong mga binili mo?" Usisa ko. Angdami na naman niyang dalang shopping bags. "Galit ka na naman bas a pera?"
Inilapag niya ito sa sofa. "kasi walang pipigil sa akin na gumastos. Pasalubong lang naman ang mga yan e. Ikaw? Nakabili ka na?"
Tumango ako. "hindi naman kasi ako tulad mo na hindi agad nakakapili ng pasalubong e."
"Nabilhan mo na din ex mo?" May halong pang-aasar na tanong niya.
"Oo."
E sa bumili nga ako. Binilhan ko ang barkada so that includes her.
"Patingin nga?"
"Wag na. Nakaayos na sa maleta e. Relo lang naman."
"Weh? Relo? Like you have all the time for her ang drama?"
"Tumahimik ka na nga."Nagtungo ako sa kitchen. Malakas na naman kasi siya mang-asar.
"Pero lam mo Chloe? Kung mas maaga tayong nagkakilala? Baka ako na manligaw sayo e."
Hinarap ko siya nang mailagay ko sa ref ang pitchel ng tubig. "Huwag ka ngang adik diyan. Sa kakaganyan mo para mo na ring tinototime yung boyfriend mo."
Napabrush siya ng buhok niya gamit ang kamay niya. "Nagiging honest lang ako. And cool ka naman sa ganitong topic diba?"
Tumango ako. "Wala naman malisya right?"
She smiled. "yeah. Walang malisya."
--
Kinaumagahan ay balik photoshoot ulit. Sa isang beach ang venue. Kasunod ko lang si Sophie.
"Sabihing mo ngang ako ang pinakasexy sa mga models?"
Tinanggal ko ang shades ko at sinipat amg mga babaeng models saka ako bumaling sa kanya.
"Gusto mo ng honest na sagot?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Naiinis niyang binalik ang shades ko.
"Kaibigan kita tapos hindi mo ako kakampihan."
Natatawa kong si-net ang camera ko. Sexy naman si Sophie pero siyempre may mas sexy sa kanya sa OPINYON ko ah.
Nakihalubilo din ako sa ibang models. Nakaka-Talaga look sila kapag inaamin kong hindi ako straight. Nandito na to e. Gawa din naman ni Sophie kaya naexpose ang preference ko itatanggi ko pa ba?
"So you go out to lesbian bars?" tanong nung isa.
Umiling ako. "Never tried."tipid kong sagot.
"You wanna go out with us?"yaya nung isa. "I have a friend who owns one." Filipino tong si Sanxyn pero dito na naka-base nang ilang taon.
"Sorry girls ha?" sabat ni Sophie naman. "Hindi kasi palalabas tong si Chloe. Baka mapahiya lang kayo."
"There is always a first time. Maganda dun." Pagkumbinsi sa akin ni Sanxyn. "Patapos na rin tong work natin. Advance celebration lang."
Sandali akong napaisip. Ayoko kasi sa bar dahil para akong nasusoffucate at nahihilo sa ilaw.
"Uhm the thing is..."pag-umpisa ko. "nahihilo ako sa ilaw sa mga bars kaya ayoko."
"See? I told you..." si Sophie na parang nanalo sa pustahan. "Isip na lang kayo ng ibang paraan para magcelebrate."
"Uhm. There is always a first time." Ewan bakit yan lumabas sa bibig ko. "Pero hindi ko mapapromise na maeenjoy niyo ang company ko."
--
Sa hotel room.
"I can't believe it! Pumayag ka talaga? Wow ha. Kapag kami ni Rica ang nagyayaya poker face ka tapos pag si Sanxyn go agad? Unfair ha."
"De magbar na rin tayo pagkauwi ng Pilipinas."
Binigyan niya ako ng I DON'T GET YOU look. "teka wag mong sabihing type mo si Sanxyn?"
"Ha? Adik ka ba?"
Hindi ko type yun. Nagiging friendly lang ako. hindi naman masama siguro diba?
"Malisyosa mo. Tulungan mo na lang ako kung ano ang isusuot ko."
Inopen niya ang closet. Nagmix and match siya ng pwede kong isuot.
"Matagal pa ba?"
"Wait lang."
Maya-maya ay nakapili na rin siya. All black talaga? with leather jacket din.
"Simple lang para hindi ka nila kidnapin."natatawang sabi niya. "Mukha kasing benta ang beauty mo sa mga yun e. Wala ka pa ngang ginagawa nabend na sila."
"Baliw ka talaga. Pero come to think of it. Nabend ko nga si Gemini e."
Dumilim ang paligid dahil tinapon niya sa mukha ko yung jacket. "Nabend mo nga iniwan ka naman. next time nga e yung hindi ka kayang iwan ang balikuin mo."
Anghard niya. kakahurt yun ah.
--
Sa bar.
Sabi na at hindi ko to maeenjoy e! kahit nasa VIP kami. yung drinks e okay lang naman. Yung ibang models nagsasayaw na. Si Sophine ang pasimuno pa.
"Sayaw tayo?"yaya ni Sanxyn.
"Inom na lang. Hindi ako marunong e."
"Come on. Ako bahala sayo."
Ininom ko ang natitirang alak bago sumama sa kanya. Si Sophie nangiti nung nakikisayaw na ako sa kanila.
Then suddenly naging slow song na. Akala ko e titigil na kami pero si Sanxyn ikinawit ang mga kamay sa batok ko.
What? Mas matangkad siya sa akin kaya medyo awkward.
Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
"Go with the flow Chloe. Relax."
Humawak ako sa beywang niya. Napansin ko si Sophie na natatawa sa may VIP area. Badtrip yon!
"Hmm..."
"You tired?" sabi niya habang magkalapit pa din kami.
"Yeah. Nahihilo na talaga ako dito."
Masakit na mata ko sa papalit-palit na ilaw kasi. Iginiya niya ako pabalik ng table namin. Ininom ko ang alak sa baso ni Sophie. Iba kasi epekto nitong si Sanxyn sa akin. Nakakaewan!
"Okay ka lang?"
Tanong na natatawa ni Sophie.
"Yeah. Alak pa nga."
"hoy tama na."awat niya. "May shoot pa bukas."
Pero mabilis pa sa alas kwatro si Sanxyn na nabigyan ako ng drinks. For now, Just for now gusto ko maging free sa limit na binigay ko sa sarili ko.
Nakailan na ba ako? Lima? Anim? Tipsy na ako.
"Uy Chloe...Uwi na kaya tayo." Si Sophie yata yun.
"Kaya ko pa. Xyn hingi pa."
Ayos! Kung gaano kastrikto si Sophie at Ganun na man kakonsintidor si Sanxyn.
"Thank you Sanxyn baby,"Pinisil ko siya sa pisngi."Angcute mo talaga."
Parang may sinabi si Sophie.
"Ano yon Pie? Ano yon?"
Hindi ko alam kung sumagot ba siya o hindi. Uminom yata siya ulit. Sumasakit ang ulo ko!
"Inom pa!"
--
Kinaumagahan sa shoot. Iginagapang ko talaga ang bawat minutong lumilipas. Angsakit ng ulo ko at nakadalawang tasa na ako ng kape.
"Here. This could help." Si Miss Roxie. Inabutan ako ng gamot. "You passed out last night. Buti nandun din ako."
Yeah. Nandun daw siya pero dumating siya nung lasing na lasing na ako.
"Kung hindi? Baka inuwi ka na ni Sanxyn at napikot ka na."natatawa niyang sabi.
Hindi naman ako naniniwala sa kanya no.Wala sa itsura ni Sanxyn ang mamikot. Tapos sa ganda niyang yun ako pa talaga ang pipikutin?
Speaking. KArarating lang ni Sanxyn. Parang wala lang sa kanya yung pagpupuyat. Binati naman niya yung iba pero deretso siya sa akin.
"Good day Chloe. Hang over?"tanong niya pagkabeso sa akin.
Tumango ako. "Slight. Naparami ako kagabi e."
Nag-hi din siya kay Roxie pero iba yung tingin ni Roxie sa kanya e.
"I'm not fooling around." Ewan bakit yung ang sabi ni Sanxyn bago siya pumunta sa make up artist.
Binalingan ako ni Roxie ng pansin. "I am not saying stay away from Sanxyn. Mabait naman siya pero mag-ingat ka lang. Okay?"
"Okay. Thank you."
--
Coffee break. Si Sanxyn ulit ang kasama ko. Busy-busy si Sophie sa mga friends niya e.
"You enjoyed last night?"
Tumango ako. "Kahit may hangover. Masaya naman. Thank you."
Inabutan niya ako ng tumbler. "Kape yan. Ako nagtimpla. Try mo."
"hindi ako malalasing naman nito?"
Natawa siya. "Kape yan Chloe. Hindi nakakalasing ang kape."
Tinikman ko naman. "Tapang ng timpla." Komento ko. "Hindi ka naglalagay ng asukal?"
Umiling siya. "hindi ba masarap?" nalungkot yata siya?
Ayoko naman magsinungaling.
"hmm. Hindi ako coffee person Xyn e. Sorry."
Ngumiti naman siya. "You're too honest. Nakakainis ka."
"Huh? Anong nakakainis dun? Ayoko namang matuwa ka sa kasinungalingan baka pagtimpla mo ulit ako e." alanganin kong sagot.
"Tomorrow is the big day. Can I invite you for dinner after?"
"Napaka-direct to the point mo no?"
"It's now or never." Nakangiti niyang sabi. "So? Pwede?"
"Sige... Ipaalam mo muna ako kay Sophie."biro ko sa kanya. "Nanay ko yun dito e."
"That would be easy."
--
Day ng shoot. Focus kaming lahat sa trabaho. Feel na feel ang presence ni Miss Ingrid! Naging super strikto. Nakarinig ang mga staffs nung hindi pa ready ang studio para sa fashion show.
"Kinakabahan ka?"tanong k okay Sophie.
Tumango siya. "Lagi naman. Normal na lang to. Don't worry. Ikaw? Huwag mong alalahanin yang mga ibang photographer diyan ha? Focus ka sa lens mo."
"Hindi maiwasan sabi mo nga."
May kinuha siya sa bag niya. Maliit na rosary. Inilgay niya ito sa bulsa ko. Then inayos pa niya ang buhok ko.
"Anak be good ha? galingan mo." natatawa niyang sabi. "Make mama proud." Then ginagap niya ang magkabilang pisngi ko ang tinitigan ko sa mga mata. "Seryoso Chloe. Kaya mo yan. Kiss na kita bebe?"
Adik talaga to. Natigil ang paghaharot niya nang may tumikhim sa likuran ko. Kaya naman pala maharot tong si Sophie e! kanina pa siguro tong si Sanxyn.
"Remind lang kita sa dinner natin mamaya." Seryoso niyang sinabi. "after nito sabay na tayong aalis. Okay lang naman diba Sophie? Hindi na kami aattend sa party."
"Pero ihatid mo si Chloe sa hotel bago mag-10;00 ha? maaga ang flight namin bukas."
--
Dinner with Sanxyn.
DINNER WITH HER FAMILY!!!
Nakaka-awkward ng feeling. Hindi ko mahagilap kung nasaan ang confidence ko sa mga oras na to.
"You look good."sabi niya pagkababa namin ng kotse.
"You think so? Hindi mo naman ako sinabihan na kasama natin ang family mo."
Nangiti siya. "Coz I didn't know they'll arrive today so hitting two birds with one stone."
"Sounds two timer for me."
"Hey hindi ako two timer. This is different situation." Bigla siyang naging seryoso.
"Uy nagjojoke lang ako."
Teka nga inirapan niya ba ako? "Pasok na nga tayo."
Dinner with her parents and her older brother (Rollin). Galing sila sa Pilipinas. Nagbakasyon doon ng isang buwan.
"Single ka ba Chloe?"tanong nung kuya niya.
"Yes po."
Nagkatinginan sila ni Sanxyn.
"Kawork ko siya."sabi ni Sanxyn. "Kumain ka na nga kuya."
"Model ka din?"tanong naman ng papa niya.
"Photographer po sir."
Namemental block yata ako?!
"May tanong ulit ako."sabi ng kuya niya.
"po?"
"My sister ain't straight." Mana-mana yata ang pagiging straight to the point sa pamilya nila? "Does it matter to you?"
Umiling ako. "I'm not straight either and even if I am, okay lang sa akin."
Napatango-tango lang ung kuya niya.
"Are you two dating?"
Muntik ko nang mailuwa yung nginunguya ko sa tanong ng papa niya.
"Pa. nakakahiya kay Chloe." Si sanxyn yan. "New friend ko lang siya huwag kayong ganyan nga baka hindi na ako kausapin nito e."
Hindi naman inalis ng papa niya ang tingin sa akin na parang naghihintay ng sagot.
"Hindi po. Kakakilala lang namin sir."
"okay." Seryoso pa rin ang tingin ng papa niya. "Nagtataka lang ako at dinala ka dito ng anak ko. It's been a while since may pinakilalang babae tong batang to."
"Three years pa."sabi ng kuya niya. "So I thought girlfriend mo itong si Chloe."
"Seriously? Ngayong niyo pa talaga ako ihahotseat? Sa harap ng bisita ko?" naiinis na sabi ni Sanxyn.
"Tumigil na kayong dalawa." Saway ng mama niya sa kanyang kuya at papa. "Lagi niyo na lang pinipikon tong si Sanxyn. Mabuti nga at may bagong kaibigan e."
--
Traffice. Past 8:00 na. Tahimik si Sanxyn. Focus sa pagdadrive pero feeling ko may ibang nagbabother sa kanya.
"Hindi pa tayo close pero pwede mo akong pagsabihan ng problema mo."
"Sana hindi ka madala sa mga pinagsasabi ng pamilya ko."
"Okay lang naman. cool naman sila."
"Cool kasi hotseat ako."
"nope. Cool kasi accepted ka nila. uhm ex mo yung last na pinakilala mo sa kanila no?"
Tumango siya. "She's also a model. Sabay kaming nag-audition. Sabay na nakuha. Sabay na umangat. Sabay na nangarap. Everything seemed perfect..."
"Pero?"
"Pero mas gusto niyang maggrow as a person na wala ako. Feeling daw niya nasasakal siya. I easily get jealous lalo. Gusto ko pag free time namin kami lang magkasama."
"San na siya ngayon?"
"Sa Pilipinas."
"talaga? teka! Baka makawork ko siya. Anong name?"
"Nagquit na siya sa modeling. May asawa at anak na siya."
Hindi siya mukhang regretful sa pagkukwento niya. "Move on na move on ka na no? Mahirap magmove on no?"
"Walang madali sa mundo e. Pero heto okay na kami pareho. We live happily ever after in separate lives na nga lang."
Kakatigil lang namin sa parking space sa basement ng hotel.
"Ihahatid na kita sa room mo."
"Kaya ko na. Huwag kang magpapaniwala dun kay Sophie. Pinagtitripan ka lang nun."
"I insist." Bumaba na kami. "Hindi ko kasi alam kung kailan ulit tayo magkikita."
"Either kapag uuwi ka ng Pilipinas or kapag may project ulit ang Persona." Sagot ko sa kanya. "Bahala na?"
Hawak-hawak niya ang kamay ko hanggang sa harap ng room namin ni Sophie. Bakit hindi man lang ako kumontra?
Nagdoorbell naman siya.
Nanlaki ang mata ni Sophie nang pinagbuksan kami. Sa magkahawak na kamay namin siya nakatingin.
"It's not what you think." sabi ni Sanxyn. "just that im comfortable holding her hands." Bigla niyang binatawan ang kamay ko.
"Oh komportable pala bakit mo binitawan?"
"ah eh. Aalis na kasi ako. Inihatid ko lang siya."
"okay. Ingat." Pumasok na si Sophie. "Maaga ang flight natin Chloe. Magpaalaman na kayo diyan."
"This is crazy but I feel sad that you're leaving tomorrow."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakalungkot din naman pero hindi siguro kapareho ng lungkot sa mga mata niya ang nararamdaman ko. saktong lungkot lang dahil mapapalayo sa mga bagong kaibigan.
"We can still talk." Siguro mapapagaan nito ang loob niya. "May video call din. uhm bahala na?"
Ngumiti ulit siya. "Add kita." Tumunog naman ang phone niya. Sandali silang nag-usap ng kuya niya. "Uwi muna ako. Nag-aalala na si Kuya e may aksidente kasi malapit sa bahay daw namin,"
"Ingat ka."
Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla siyang bumalik at hinalikan ako nang mabilis sa labi. "Bye Chloe. See you."
Para akong sandaling natuod. Kahit pagpasok ko sa room namin ay nablangko ang utak ko.
"Sophia... Bakit basta-basta nanghahalik yung kaibigan mo?"
"Ano?! Hinalikan ka niya?!"
Napatango ako na hawak-hawak ang labi ko. "Is this the prize I get for exposing my preference? Hahalik-halikan na lang ako ng babae?"
Natawa naman siya. "baliw! Magpahinga ka na nga. Huwag masyadong seryosohin si Sanxyn Chloe. Sanay yung sa mga bi. Malay mo hindi lang ikaw ang hinalikan nun."
Siguro nga tama siya. Hay. God! Pero malambot ang labi niya. parang masarap ulitin.
---
--8--
January 2015
Hindi kami nakaabot sa celebration ng New Year dahil delayed ang flight namin. So hayun. New Year's Eve kami ni Sophie ang nagcelebrate. Ka-video call ang kanya-kanya naming pamilya.
Pagkadating na pagkadating ko ay deretso ako sa probinsya. Nagspend ako ng three days dun tapos balik din agad ng Manila. Workaholic ba? Kailangan lang e. Pero hindi naman ako agad papasok sa trabaho.
Masakit ang ulo ko. Napuyat kasi ako sa pag-chat namin ni Sanxyn. Talking about random things. Pinagkwento ko siya tungkol sa ex niya. Somehow may mga nakarelate naman ako.
Lumabas na ako para magkape. Nagluluto si Nikee. May pasok na rin pala siya.
"Good morning maam." Bati ko. "anong niluluto mo? ang-aga mong gumising."
"Tapsilog. 7:00 dapat nasa univ na ako e. Magkakape ka na ba? Hindi pa mainit yung tubig e."
"Hintayin ko na lang." naupo ako. "Need help?"
"Hindi na"sagot niya na nakatuon ang pansin sa niluluto niya. "Aalis ka ba ngayon? Gusto mo magbaon nito?"
"Sige sige. Ako na lang maglalagay mamaya."
Narinig kong tumunog ang phone ko. Pumasok ulit ako sa kwarto. Si Sanxyn ulit. Hindi na yata natutulog to. NAggood morning lang, Madaling araw na dun ah.
Me: matulog ka na ho. J good night.
Hindi na siya nagreply. Good. Consistency ng communication namin? Okay naman. araw-araw kaming nagkakausap.
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Hinayaan ko na si NIkee sa labas para sa morning rituals niya. Mas hawak ko kasi ang oras ko kaysa sa kanya kaya pwedeng magchill muna ako nang ganitong oras.
Ano bang mga gagawin ko ngayon.
Chineck ko ang planner ko.
Puntang Agency.
Lunch with Miss Ingrid.
Then free ako sa hapon.
Hay. Ano naman kaya ang pwede kong gawin sa hapon.
Bandang 6:45 nang kumatok si Nikee. "Chloe, aalis na ako. May pageant sa school mamayang gabi. Mali-late ako ng uwi ha." hindi ko kasi siya pinagbuksan kaya nilakasan na lang niya ang boses niya.
"Okay!" ganting sigaw ko naman.
Hindi ko mabasa ang ugali ni Nikee. Masyadong tutok sa trabaho e. Nung kararating ko lang ay nagkajetlag ako. Alas tres na e gising pa din siya at nakatutok sa laptop.
Turn ko na sa morning ritwal. Maglalagay na muna ako ng lunch ko.
Ahy nailagay na niya sa Tupperware pala. May note din.
Pakibigyan ang kuya ko na feeling pogi.
Haha. Feeling pogi talaga e. Pogi naman si Kein madalas lang feeling talaga. Pinicturan ko ang foods saka ko sinend kay Kein.
Aba! Ang magaling na lalaki pinag-aapura ako at nagugutom na daw.
--
Sa agency. Parang patay gutom si kuya Kein naman. Heto lumalamon na.
"Sarap talaga magluto ng kapatid ko. BAkit hindi ka kumakain?"
"HIndi pa ako gutom kuya. Mamaya na lang."
"May meeting ka with Miss Ingrid sa lunch diba? Paano mo pa makakain yan? Iwan mo na lang at ako na lang kakain."
"Patay gutom lang?" inilayo ko sa kanya ang baunan ko. "Huwag kang gahaman sa pagkain no."
Binuksan ko na lang din at kumain. Nakakahiya naman baka kasi ikwento nitong si Kuya sa kapatid niya na hindi ko kinain ang niluto ni NIkee.
Namigay lang ako ng pasalubong bago ako pumasok sa office ni boss. May importanteng sabihin daw e.
"Maupo ka Chloe."
"Good morning sir. Ano po yung importanteng sasabihin niyo? Kinakabahan na kasi ako e."
Angseryoso kasi si boss ngayon. Bad news kaya ang sasabihin niya? hay.
"I will go direct to the point Chloe. Gusto kong mag-apply kasa Persona."
"Po? Ayaw niyo na ba ako dito boss?"
"Hindi sa ganun Chloe pero sa tingin ko mas madedevelop ka pa kung sa Persona ka na magtatrabaho. This is rare opportunity na mismong si Miss Ingrid ang nagpasabi na gusto ka niyang mag-apply."
"Talaga?"
Tumango si Boss. "Think about it. Explore the world Chloe. Don't be just contented with your comfort zone."
Sandali akong natahimik.
"Focus on fashion photography Chloe. Dun ka mas magaling. At dun ka mas kikita."
"Naapreciate ko po ang concern niyo boss. Pag-iisipan ko po."
--
Lunch meeting with Miss Ingrid. Authoritative talaga ang presensya ni Miss.
"Are you okay?"
"yes maam. I'm just...urr..Nervous."
"Why? Do you feel intimidated?"
Tumango ako.
Natawa siya. Ewan kung bakit. "Nabanggit na ba ng boss mo ang proposal ko?"
"Yes maam. Pinag-iisipan ko pa po."
Tumango-tango naman siya. "I hope makapagdesisyon ka bago lumipad ang team pa-Australia"
May inabot siyang folder sa akin. "May series of fashion shows ang Persona. At gaya ng sinabi ko may potential ka so I am planning to keep you in the team."
"Potential pa lang po. Iba na po yung international level of photography."
Bakit parang nainis siya sa sagot ko?
"You know when I was young? Sabi ng mentor ko, wala akong inborn talent. Kailangan kong magsumikap ng triple kung gusto kong maging successful. Then I did."
"Anong gusto niyo pong sabihin?"
"Everything is natural sa pagpitik mo ng lente. Our team needs you. At the same time madedevelop ka pa lalo. At baka hindi mo na namamalayan, different offers will come your way. You will be the person behind famous models."
"Too good to be true."pagkontra ko na naman.
"Think about it."
--
I have my afternoon free. Maghanap na muna ako ng libro. Cooking book. Subukan kong magluto para makabawi sin kay Maam Nikee. Siya na lang kasi ang laging nagluluto.
Kachat ko rin pala si Sanxyn.
Okay naman kami pero paran may kulang lang talaga sa pakiramdam. Kapag kachat ko siya feeling ko nagtataksil ako. pero kanino? Haha. Angweird ng pakiramdam talaga. hay.
Xyn: SO kelan ka babalik dito? Haha
Me: a walking distance lang ang Paris >_>>hello..
(Bunso... free ka ba mamayang gabi?)
>>>Hoy kuya ha? Usapan natin walang date...
(Hindi bunso. Emergency lang. Pageant kasi sa univ nina Nikee. Hindi ako pwede dahil may dinner with my girlfriends parents. Pwedeng ikaw na magcover nun? Nangako kasi ako sa kanya na tutulungan ko siya sa documentation niya. siya kasi incharge."
>>>ako na lang lagi tagasalo mo kuya ha...
(I know naman na kating-kati ka nang pumitik. Besides, kapatid ko naman siya at housemate mo pa. Sige na bunso. LIbre kita bukas."
>>>Pizza.
(So we're good)
>>>okay. Sige na.
Nagreturn call ako kay Sanxyn. Short convo lang para sabihin yung sudden schedule ko tonight. Nung una naiinis siya kasi daw hindi na naman kami makakapag-usap. Minsan naiisip ko, may gusto ba siya sa akin? hay. Never mind.
--
Mukhang nasabi na ni Kuya kay Nikee na ako ang tutulong sa kanya sa documentation niya. Inintroduce niya ako sa kasamahan niya. Nakakaflatter yung pagtanggap nila sa akin.
"Nakakainis talaga ang babaeng yon. Laging nakikisabay sa request ko kay Kuya."
"Hayaan mo na. NAndito naman ako. We'll get this done."
"okay. Thank you."
Nag-start na ang pageant. I'm doing what I need to do here. Taking random shots is really one of my favorite thing. Mamaya ko na lang ichechek sa bahay ang preview.
Nahagip ng tingin ko si Maam Nikee na nakaupo. Hinihilot niya ang kanyang sintido. What could be the problem?
Nilapitan naman siya ng kawork niyang babae. I took a picture of them and went back to taking pictures of the contestants.
--
Mag-1:00 na ng madaling araw kami nakauwi. Yung kawork niyang babae kanina nag-offer na ihatid kami. Mag-yes na sana ako e kaso tumanggi tong si maam.
"Gusto mong kumain? Mid night snack?"
Cheesecake and coffee ang nilapag niya sa dining table.
"Bukas na ang totoong pagkain." Sabi ni Maam. "I'll cook for you tomorrow. Pathank you sa effort kanina."
"Okay ka lang ba maam?"
Namumutla kasi siya e. Tapos namumula ang mga mata niya.
"Pagod lang siguro."
Then kuya Kein is calling. Tiningnan lang ako ni Maam. Siyempre saagutin ko to no. Kaharap ko si maam.
>>>Kuya... anong balita?
(Nakauwi na ba kayo? Kumusta si Nikee? Is she okay?)
>>>oo. Bakit? Mukhang worried ka.
(Hindi siya kasi pwedeng magpuyat. Ilang gabi na ring nagpupuyat yan. Baka humina ang resistensya. Bigay mo nga saglit ang phone sa kanya)
"Kakausapin ka daw."
"Oh kuya...
Badtrip ka e...
E ano kung magkasakit ako?
Uunahin mo pa yang girlfriend mo kaysa kapatid mo e...
Ewan ko sayo!
Hindi!
Walang vitamins vitamins dito..
Bahala ka nga..."
Naiinis niyang binigay sa akin ang phone ko. Buti hindi binato e, gigil kasi mukha niya kanina.
Niligpit ko na ang pinagkainan namin. Nasa kwarto niya na rin siya. Nagtext si kuya about vitamins.
Kinatok ko si Nikee.
"Maam magvitamins ka muna bago matulog ha! papatayin ako ng kapatid mo kung may magkasakit ka."
--
Kinabukasan inagahan ko talaga ang gising para makapagluto. Kaya heto wala na siyang magawa kung hindi pagtiisan ang niluto kong pork chaofan, mushroom soup, at yung pineapple juice.
"O anong meron at nagluto ka?"
"Nothing. I think kailangan ko lang din matutong magluto para hindi ikaw lagi maam ang nagluluto dito."
Siguro masarap naman kasi hindi siya nagbibigay ng negative comment.
Nagvibrate ang phone ko. Si miss Ingrid. Tinatanong kung nakapagdecide na ako. overnight talaga dapat may desisyon na ako?
"Prob?"
SIguro matutulungan ako ni maam na magdecide.
"Spill it out." Seryoso na siya. Madam na madam na ang awra niya.
"May isa kasing offer sa akin. Malaki ang salary pero malayo. Mapapalayo ako sa pamilya ko."
"Well, you're working away from your family. What's the difference? Gaano ba kalayo?"
"Probably magpalipat-lipat ng bansa?"
Sandali siyang napaisip. "Maganda din yun. You can visit different countries."
"Pero tingin ko hindi ko deserve yung offer. Hindi pa sa ngayon."
"Hindi ka oofferan kung hindi mo deserve."
Nabalot kami ng katahimikan. "E ikaw maam? Anong plans mo? Magtuturo ka habang buhay?"
Nangiti naman siya. Parang ewan tong si Maam. Nagtatanong lang naman ako e.
"3 years." Sagot niya. "If I fail balik na akong province or go abroad."
"Ano bang plans mo? Bakit 3 years lang?"
"Secret ko na yun. Usually I get what I want, ngayon lang ako nagtry na maging independent which is tinutulan ng mga magulang namin pero nakiusap ako. So three years lang talaga ang binigay ni papa." May lungkot sa ekspresyon niya pero hindi ko pa rin siya totally mabasa.
What should I do? Hay.
"Think of your family."biglang sabi niya. "Unless may ibang taong ayaw mong iwan?"
"wala naman. I mean wala na. Siguro tama ka. Ikoconsider ko ang family ko sa desisyon ko. thank you."
Ngumiti naman siya ay itinuloy ang pagkain.
--