DESI NUWEBE First week of August. FRIDAY. Nakatanga ako sa working area ko dito sa office. Kakabigay lang ni Miss Zynthia ng theme para sa Shoot nina Xyn. "LOVE WINS" "May problema ba Chloe?" Kanina pa daw ako kinakausap ni Miss Zynthia pero hindi ako nasagot. "huh? Wala. Napuyat lang ako." Umalis na rin naman siya. Nakadukdok ako sa mesa nang magring ang phone ko. Si Pie. Baka nakarating narin sa kanya itong project. Kasama din siya dito e. >>Oh bakit? (Bakit ka diyan. Yung theme ng shoot.) >>>uhm... Pie... nasasaktan pa din ako ng slight... (So pano? Alak pa? haha! Trabaho to uy. I have your back. Don't worry... kesihodang halikan kita sa harap nila. haha! Charot lang...) >>>baliw...Sige na ibaba ko na to ha... Naagtext din si Mathew. Parang routine na

