HOPE IN LOVE (THREE) Nagsubscribe ako sa internet package na may basic fam cam package. Nagpapatulong din kami ni Prey sa kaibigan niya para magdagdag ng ilang spy cams din. Mga apat lang naman. "Baka gusto mong lagyan din sa CR?" nanunuyang biro ni Prey. "Grabe ha? OA sa security. E kung ibahay mo na lang kaya siya? Lipat kayo sa condo. May isa pa akong unit. Gusto mo?" "Gago! Wala akong balak gawin yon. Natutuwa lang akong malapit ako sa kanya." "Wow! Si Nikee? Hindi dadamoves? Hanggang tingin tingin lang? Statue my friend?!" pang-aasar pa niya. "Paki mo ba... tara bored ako. labas tayo." "Tamang-tama. Nag-iinvite pinsan ko. Visit daw tayo sa resto niya." Nauna siyang lumabas ng kwarto. Iniasyo ko pa yung kama ko na pinaghilataan ng babaeng yun. "Shet! Hope Nikee Ballesteros Mon

