BENTE SIYETE Singapore, Singapore Sinundo kami ng pinsan niya. Si Alex. Tahimik lang ako habang sila ay masayang nagkukwentuhan. Malapit na daw kami sa bahay nila. Nandun ang ibang kamag-anak nina Maam. Nandun na din daw si Kuya Kein. Naipark na ni Alex ang sasakyan. "Ayos to. Chloe huwag kang magugulat sa clan namin ha? Baka maoverwhelm ka." "Aleck naman." saway ni maam sa kanya. "Pinapakaba mo si Chloe e." Nagtangkang umakbay sa akin si Alex. Kinabahan na naman ako. Buti humarang si maam. "Off limits Pinsan. Don't be so clingy." Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Sorry." Hinigit ni maam ang kanang kamay ko. "Tara sa loob. Relax lang." Humigpit ang kapit ko sa kanya. naririnig ko na kasi ang ingay ng mga kamag-anak niya. Nagkakasiyahan na sila. Pinagbuksan kami ni Alex ng pin

