Chapter 5

2823 Words
Naliligo na siya sa malakas na ulan nang mga sandaling ito pero  hindi tumigil si Zerus sa paghahanap. Wala siyang pakialam sa ulan. Ang gusto lang niya ay makita ang babae. Panay ang kaniyang tawag sa pangalan nito at ang sumasagot ay ang malakas na kidlat at kulog. Galit ang langit sa kaniya at ramdam niya ito. Saan ka ba, Blessy? Damn it! Napamura siya nang muling nagalit ang kalangitan at gumuhit ang mahabang kidlat. Napailing-iling na lamang siyang nagpatuloy hanggang sa napahinto siya at napamura ng mas malutong. “Putangina! Blessy!” Mabilis pa sa orasan ang kaniyang pagbaba sa may kataasang bangin. Hindi niya inalintana na pwede siyang mahulog dahil sa lakas ng ulan at madulas ang mga bato. Agad niyang niyakap ang babaeng walang malay habang nasa tabi ang mga bulaklak na pinitas nito. “Hey, hey! Wake up. Blessy!” Tinapik niya ang namumutlang pisngi ng babae pero walang tugon mula rito. Nahulog ito. Iyon ang alam ni Zerus. Agad niyang hinagilap ang pulsuhan nito sa leeg at sandali siyang kumalma nang maramdamam ang mahinang pintig ng pulsuhan nito. Lihim siyang nagagalit sa sarili. Nandito siya kanina sa may talon pero mas pinili niyang iwan ang babaeng mag-isa at hinayaan itong mag-ikot ng walang kasama. Dapat, siya na itong nag-adjust sa kaniyang nararamdaman at isinantabi na lang. Baka wala sila sa ganitong posisyon ngayon. Magaan ang babae nang pangkuin niya ito. Para itong bata sa kaniyang mga bisig habang pangko ito. Pero dahil sa kaniyang kalagayan na may sugat na iniinda, at isali ang malakas na ulan na walang balak huminto, mapipilitan siyang huminto sa unahan kung saan karugtong ng kweba. Dito, pwede silang tumigil sandali hanggang sa tumila ang ulan at madala pabalik ang babae sa simbahan. “The hell with this!” napasigaw siya sa sobrang galit nang muling kumulog. Naging madulas ang batong inaapakan niya pero nagpatuloy siya sa paghakbang kahit kumikirot ang kaniyang sugat. Napahinga siya ng maluwang nang marating niya ang karugtong ng kweba. Puno ng pag-iingat niyang nilagay sa tabi ang babae at isinandal sa batuhan ito. “Blessy? Hey, Blessy wake up.” Muli niyang tinapik ang maputlang pisngi ng babae. Basang-basa sila at pwedeng magkasakit ito. Na-picture out ni Zerus na nadulas ito mga 30 minuto na ang nagdaan. Nakakapit ito sandali pero tuluyang bumitaw ang nahawakan nito kaya bumagsak ito ng tuluyan. Kung hindi dumaan ang kasama nitong Madre, hindi niya malalamang nasa bingit ng kamatayan ang buhay nito. Walang planong tumigil ang ulan, ito ang alam ni si Zerus. Maingat siyang umupo sa tabi ng babae. May konting espasyo siyang nilagay sa pagitan nila at hindi nawawala ang respito niya rito. Napilitan lang siyang hawakan at pangkuin ito kanina pero kung gising ito, hindi niya iyon gagawin. Hangga’t maari, pinipilit niya ang sariling ‘wag madikit sa babae. May sa gayuma ito na iniiwasan niya. “Hey!” Napaunat siya mula sa pagkakaupo nang makitang gumalaw ang kamay nito. Mabilis siyang napalapit sa babae at alalang-alala na hinintay ang sasabihin nito. “M-mr. H-hearst?” Muli siyang nagbigay ng distansya sa kanilang dalawa. Baka matakot ito sa kaniyang presinsya. “You okay? Wala ba masakit sa ‘yo? Nabali or what? Tell me...” Sunod-sunod itong umiling pero mabilis din napaigik, “M-masakit...” Napahawak ito sa ulo. “Where?” agad siyang napalapit dito at dinama ang likuran ng ulo nito. “Dito ba, ha?” Marahan itong tumango at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Bahagya rin itong dumistansya sa kaniya at nakuha niya ang pinahiwatig nito. Binawi niya ang kamay at bumalik sa kaniyang pwestong kinauupuan. Namalagi ang katahimikan sa kanilang dalawa at ang tanging maririnig lang ay ang malakas na buhos ng ulan at pangangalaiti ng langit. “S-salamat...” “Saan?” Napasulyap siya rito. Huminga ito ng malalim at sandaling niyakap ang sarili. “Sa pagtulong mo sa ‘kin, Mr. Hearst.” Hindi siya sumagot. Hindi niya kailangan ang pagpa-pasalamat nito sa kaniya. Nagagalit siya pero pinipilit niya ang sariling kontrolin ang kaniyang galit. Napapansin niyang nanginginig na ang babae at wala man lang siyang magawa para patigilin ang panginginig nito. Napailing-iling siya nang mas lalong nagbiro ang panahon at umihip ang malamig na hangin. Hindi siya nagkomento. Sa ibang bahagi siya tumingin at napabuntunghinga. Kailan titigil ang ulan para makaalis na sila? “Mr. Hearst...” “Yes?” “Huwag sana kayong magalit sa ‘kin kung masyadong personal ang tatanungin ko.” Walang emosyong napatingin siya rito, “What is it then?” “Bakit kayo pinapahanap? May kasalanan ba kayong nagawa sa taong humahanap sa inyo?” deritso siya nitong tinitigan sa mata kasabay ang muling pag-guhit ng kidlat sa kalangitan. “Bakit?” balik tanong niya rito. Nag-ilap ang mata nito sa balik-tanong niya. Nagsimula rin magdilim ang paligid dahil sa ulan na walang planong tumigil pero nanatili siyang nakatitig sa babae. “Alam kong ‘di kayo masamang tao.” Natawa siya nang mapakla sa sinabi nito. “Don’t be deceived, Blessy. Lucifer was an angel before he became Satan. Hindi mo alam ang pinagsasabi mo.” “Bakit? Ano ba klaseng pagkatao meron ka?” Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at bahagyang napailing. Wala siyang planong sabihin ang kaniyang buong pagkatao rito. Ang tanging nakakaalam lang kung gaano kaitim ang kaniyang kaluluwa ay si Satanas. “Why do you wanna know? Does praying to your gods makes me guiltless? Pure as you?” “Mr. Hearst...” “Don’t try to ask how heinous I am. The man you were talking right now is a wolf in sheep’s clothing,” deritsahang saad niya kasabay ang muling pagguhit ng mahabang na kidlat at malakas na pagkulog sa langit. Napasigaw ang babae at napatakip ng magkabilang teynga. Napasiksik ito sa tabi at ilang beses na sinambit ang Diyos. Walang emosyong sumandal siya sa batuhan at pinatong ang kamay sa tuhod. Tila musika sa kaniyang teynga ang sunod-sunod na pagkulog at kidlat. “Mr. Hearst?” “Yeah?” “Walang planong tumila ang ulan. Baka nag-alala na si Sister Pearl at Mother Jean sa ‘kin. Kailangan ko na bumalik sa simbahan.” “Kapag humina na ang ulan, ihahatid kita.” Umiling ito, “No, kaya ko na bumalik mag-isa.” Tumayo ito at napahawak ng mahigpit sa basang-basang damit. “Hindi mo kasi ako naiintindihan.” “Anong ‘di maintindihan? Kalagayan mo ang inaalala ko. Hindi mo nakita kung paano ako parang tangang sumuot sa malakas na ulan na ito para mahanap ka, ha?! Damn, Blessy! Kahit Madre ka, mapipilitan akong ikulong ka sa bisig ko kapag nagpumilit ka.” Tumayo siya at nagbabanta ang kaniyang mga titig na binigay rito. Natigilan ito sa kaniyang sinabi pero seryuso si Zerus. Oras na hahakbang ito at magpupumilit na suungin ang ulan kahit delikado, hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin. “Huwag mo akong diktahan. Kilala ko ang lugar na ito. Ang simbahan, tatlong kilometro lang ang layo. Oras na gabihin tayo rito, mas lalo tayong mahihirapang bumalik. Kaya, mauna na ako, Mr. Hearst.” Mabilis pa sa alas-kwatro ang kaniyang naging galaw. Ang sunod na kaniyang ginawa, ay hindi niya na kontrolado. Bigla niyang nahila ang kamay ng babaeng Madre at hinapit ang katawan nito papalapit sa kaniya. Sa sobrang bilis ng kaniyang galaw, naipinid niya na ang katawan nito sa isang tabi. Pareho silang natigilan. “I told you...” mahinang usal niya, “I told you, I will f*****g lock you in my arms once you insist.” “Mr. Hearst!” nanlaki ang magagandang mga mata nito at hindi makahuma sa kaniyang ginawa. Ang dalawang kamay nito ay nasa kaniyang dibdib at nagbibigay ng distansya sa kanilang dalawa. “Aalis ka pa rin ba?” may pagbabanta sa kaniyang boses nang sabihin ang katagang ito. Walang sagot mula rito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at alam niya ang nasa utak nito nang mga sandaling iyon. Takot. Takot ang nararamdaman nito laban sa kaniya. Nababasa niya at parang sinuntok ang kaniyang puso sa kislap ng mga mata nito. “Ano ka ba talaga? Anong klaseng tao ka?” Malakas ang lagaslas ng ulan pero malinaw ang kaniyang pandinig. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatitig sa babae. Nanatili sila sa ganitong sitwasyon. “Takot ka sa ‘kin, hindi ba?” usal niya sa mga katagang ito na lalong mas nagpadagdag ng takot sa pagkatao ng babae. “Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi kita dapat katakutan.” Natawa siya ng mapakla at dumistansya rito. “Gusto mong maunang umuwi sa simbahan, right? Sige, umuwi ka na.” Nayakap nito ang sarili at ilang beses na napatingin sa kaniya. Tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Isa kang mamatay-tao.” Sapol. Umilap ang kaniyang paningin at malaking hakbang ang ginawa ni Zerus papalayo sa babae. Naligo siya sa ulan. Hindi siya makasagot sa deritsahang saad nito. Wala siyang maisasagot. Hindi niya kayang sagutin. “Mr. Hearst, tama ba ako? Isa kang mamatay—” Napatigil ito nang isang iglap lang ay labi niya na ang pumigil sa anuman sasabihin nito. Naglapat ang labi nila habang sunod-sunod ang pagsigaw ng kalangitan sa galit. Hindi ito nakahuma sa kaniyang ginawa at napatitig lang ito sa kaniya na parang isa siyang panaginip. Wala siyang nadaramang pagsisisi sa kaniyang ginawa. Agad siyang dumistansya sa babae at matiim itong tinitigan. “Isa akong mamatay tao. Tama ka.” Malakas na lagapak ng kamay ang dumapo sa kaniyang pisngi. Sa sobrang lakas ng sampal nito, hindi man lang niya maramdaman ang sakit. “Kasuklam-suklam ka!” galit na sigaw nito at  hindi niya na pinigilan ito nang suungin nito ang malakas na ulan. Gumuhit ang sakit sa kaniyang mukha nang sundan niya ito ng tingin. Masakit. Nararamdaman ng puso niya ang sakit at ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Kumuyom ang kaniyang kamao habang nakasunod ang kaniyang tingin sa babaeng tinahak ang kabilang daanan para makalayo  sa kaniya. Napahugot siya ng malalim na buntunghinga. Nasabi at nagawa niya ang bagay na dapat hindi niya ginawa. Marahan siyang napasabunot sa buhok at nagpasyang sundan ang babae. Sisiguraduhin lang niyang nakauwi ito ng maayos sa kabila ng galit ng panahon. Basang-basa siya sa ulan at kumikirot ang sugat niya sa tagiliran pero may isasakit ba ro’n kung makita ang takot at pagkasuklam sa mga mata ng babaeng hindi niya dapat mahalin? MAAGANG bumangon si Zerus nang araw na iyon. Umuulan pa rin sa labas at walang emosyong napatitig sa ulang pumapatak sa labas ng simbahan. Nasira ang maliit na kubo ng ni Manong Ben at pansamantalang nagtuloy sa simbahan ang matanda pati siya. Hindi niya hinayaang umuwi mag-isa ang babae. Kahit papaano, nakuha niyang maihatid ito. “Fender, ito kape para mainitan ‘yang sikmura mo.” Pumasok si Manong Ben na may bitbit na dalawang tasa at umuusok ang kape mula ro’n. Tahimik na inabot niya ito. “Si Sister Blessy?” Napakamot ito sa ulo at napailing-iling na tumingin sa kaniya. “Bawal mo siyang mahalin, Hijo.” Hindi siya kumibo at sinimsim ang kape kahit mainit iyon. “Kamusta na siya?” “Mataas ang kaniyang lagnat pero pasaan ba at magiging okay rin ang kaniyang kalagayan.” Tumayo siya at sumilip mula sa bintana. Nababalot ng tubig at hamog ang paligid. Nagpasya siyang lumabas at kailangan niyang mag-isip. “Mr. Hearst!” Hindi niya na kayang lumingon at tingnan kung sino ang tumawag sa kaniya. Alam niyang ang kaibigang Madre ito ni Blessy. Naghintay siyang lumapit ito sa kaniyang kinatatayuan. Nakaharap siya sa hardin at malayang pinagmamasdan ang mga bulaklak. “May kailangan ka?” “Salamat. Alam kong ikaw ang naghanap kay Sister. Kung paano at saan mo siya nahanap, ayuko ng tanungin.” Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatingin dito at hinihintay ang kasunod na sasabihin. “May sasabihin ka pa?” “And please, layuan mo ang kaibigan ko.” Tumaas lang ang sulok ng kaniyang labi at nauna itong tinalikuran. Naghihintay lang siyang sumikat ang araw at aalis na siya sa Baryong ito. Wala siyang planong manatili at mas lalong wala siyang planong baliwin at sirain ang mga plano para sa isang babae. Marahang nagmulat ng mata si Blessy. Ang puting dingding ng kaniyang silid ang bumungad sa kaniya at sa tabi niya ay ang kaibigang si Pearl. Puno ng pag-alala ang mukha nito at agad siyang dinaluhan para makaupo ng maayos. “Okay ka na, Sister? Wala ng masakit sa ‘yo?” Umiling siya. Ang huli niyang maalala, lumayo siya kay Fender. “Paano ako nakarating dito, Sister? Naalala ko—” “Si Mr. Hearst ang nagdala sa ‘yo rito.” Hindi siya kumibo. Paanong ang lalaki ang nagdala sa kaniya? Ang naalala niya, lumayo siya sa lalaki matapos niya itong sampalin ng malakas. “Wala siyang sinabi. Basta ka lang niyang dinala rito sa simbahan na pangko-pangko niya.” Sandali siyang nag-isip at pinagtatagpi ang sinabi ng kaibigang Madre. Tama ito. Naalala niya na... Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mata niya habang tinatahak niya ang daanan, na halos hindi niya makita sa lakas ng hangin at ulan. Nagkasala siya. Nagkasala! Poot at pagkasuklam ang kaniyang nadarama nang mga sandaling ito. Walang karapatan ang lalaki na halikan siya. Wala kahit isa! Pagmamay-ari siya ng Diyos at ang ginawa nito, ay isang malaking kasalanan. Inaamin ni Blessy na nagkamali siya sa kaniyang tono. Sa kaniyang pananalita. Sa kaniyang pagtatanong sa katauhan na meron ito, pero ‘di sapat iyon na rason para halikan siya ng lalaki. Mali iyon! “Blessy!” Malakas ang ulan pero naririnig niya ang boses ng lalaki. Nagawa niyang lumingon at mas lalong lumukob sa puso niya ang galit. Ang galit na bago lang sa kaniyang pandama. Nasa likuran lang niya si Fender, ilang dipa ang layo at nakasunod. Nagmadali siyang humakbang kahit masakit ang kaniyang paa dahil sa pagkaduas niya kanina. Halos hindi nga niya kayang ihakbang ang paa pero tiniis niya ito basta makalayo siya sa lalaki. Isa itong mamatay-tao pero hindi siya takot sa bagay na iyon. Marami siyang nakilala sa loob ng kulungan sa tuwing dumadalaw sila pero ‘di siya nandiri at natakot. Ang kinakasuklaman niya ay ang nakawan siya nito ng halik na hindi dapat ginawa nito. Maling-mali! “Blessy! I won’t say sorry for what I did.” Tinakbo niya ang daan pabalik sa simbahan na paika-ika. At sa kaniyang pagmamadali, nasagi sa ugat ng punong-kahoy ang kaniyang paa kaya bigla siyang nadapa. “Damn it!” Lumitaw sa kaniyang harapan ang lalaki at mabilis siya nitong tinulungan. Marahan niyang inalis ang kamay nito. Isa siyang nakatakdang maging alagad ng Diyos habang-buhay. Ilang taon na lang ang hihintayin niya at magiging ganap na siyang Madre. Ang suot niyang singsing ang siyang magpapatunay na maling-mali ang ginawa nito sa kaniya. Ang bigyan siya ng halik? For God sake! Ninakaw nito ang unang halik na hindi dapat. “Mr. Hearst, maari kitang kasuhan sa ginawa mo sa ‘kin!” lumarawan ang galit sa kaniyang mata. “Kung ‘yan ang magpapatahimik sa ‘yo.” Kumalma siya. Nag-iwas ng tingin at nagpasyang ‘wag itong kausapin sa bagay na iyon. Pero nang ihakbang niya ang kaniyang paa, nawalan siya ng balanse. Masakit! Pakiramdam niya, naipit ang ugat niya sa kaniyang paa. Malalakas na bisig ng lalaki ang sumalo sa kaniya. Hindi sinasadyang napatitig siya sa mga mata nito... Ang mga mata nitong hindi nababasa kung ano ang nilalaman sa sobrang lalim ng emosyon. Ang mga matang hindi niya kayang pangalanan. “Pangkuin na kita.” “No!” “Please, Blessy?” Umiling siya. Mas gugustuhin niyang lumayo ito para pumatag ang kaniyang kalooban. ‘Pag magtagal sila pareho sa ilalim ng ulan, pareho silang magkakasakit. Umayos siya ng tayo at muling sinubukang humakbang ulit pero masakit na ito. Hindi niya kayang tiisin ang sakit. “Wait... ‘Wag ka munang magalaw.” Hindi na siya nakapag-react nang lumuhod ito at hinilot ang kaniyang paa. Malakas ang ulan at malamig ang hangin pero bakit pakiramdam niya iba ang ikot ng paligid? M-mr. Hearst... Bumalik lang siya sa kaniyang diwa nang matapos na ito at maayos niya ng maihakbang ang paa. “Mr. Hearst, ano ba!” napasigaw siya nang lumutang sa ere ang kaniyang katawan at pinagko siya nito. “Ibaba mo ako. Ngayon din mismo!” pero mapapagod na lang siya sa kakasigaw rito, hindi siya nito binaba. Ang iniisip niya, ang sugat nito sa tagiliran at hita. Kahit malayo sa buto ang sugat nitong natamo sa bandang hita, masakit pa rin iyon at hindi pa naghihilom ang mga ito. “Tatahimik ka, o hahalikan kita sa pangalawang pagkakataon? Na sa ‘yo ang desisyon,” banta nito nang sulyapan siya. Biglang napaurong ang kaniyang dila at hindi makapagsalita sa sinabi nito. Kahit labag sa kaniyang kalooban, pinili niyang tumahimik dahil alam niyang hindi ito nagbibiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD