Halos tatlong oras nang nagmamaneho si Lucifer, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan kami patungo. Tahimik lang siya sa buong biyahe, at kahit gusto ko siyang kausapin, hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung ano ang maaari naming pag-usapan. Kaya palihim ko na lang siyang sinusulyapan.
Hindi maikakailang napakaguwapo ni Lucifer. Walang bahid ng taghiyawat o peklat ang kanyang mukha. Wala rin siyang bigote o balbas, ngunit hindi naman niya kailangan ang mga iyon upang lalo pa siyang maging kaakit-akit. Sigurado akong kahit magkaroon pa siya ng bigote o balbas, hindi mababawasan ang kanyang kaguwapuhan.
Medyo hindi rin talaga patas ang buhay. Napakalinis pa rin niyang tingnan at para bang mabango pa rin siya kahit nagkatay siya kanina, samantalang ako naman ay mukhang pulubi at maaamoy mo pa rin ang sangsang ng tuyong dugo sa aking katawan. Buti na lamang at mabango ang loob ng kanyang sasakyan kaya natatakpan ang sarili kong amoy.
Hindi pa rin ako makapaniwalang gusto niya akong maging pagmamay-ari. Sigurado akong maraming taong nagkakandarapa para sa kanya at marami rin siyang mapagpipilian. Kung iisipin, napakaimposibleng gustuhin niya ang isang tulad kong gusgusin at marumi. May mga nagsasabi namang maganda ako, pero alam kong hindi sapat iyon para maging karapat-dapat sa isang tulad niya.
Ilang taon na kaya siya? Mukha siyang mas matanda sa akin dahil napakalayo ng kanyang pangangatawan at tindig kumpara sa mga kaedad kong lalaki sa Sta. Ana.
"What's haunting that pretty little head of yours, little bunny?" Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "You've been staring at me like you're trying to uncover my sins."
Kahit ang mga ngipin niya ay napakaperpekto rin. Parang wala kang makikitang anumang maipipintas sa kanya.
"Ilang taon ka na, Luci?" tanong ko. "Puwede ba kitang tawaging Luci?"
"Of course." Bahagyang kumurba ang kanyang mga labi. "I'm twenty-seven. Old enough to know exactly what I want... and patient enough to wait until it has nowhere left to run." Nilingon niya ako nang saglit. "How about you?"
Minsan, hindi ko maintindihan ang ilan sa mga sinasabi ni Lucifer. Nakauunawa naman ako ng Ingles, pero pakiramdam ko ay parang palaging may ibang kahulugan ang mga sinasabi niya sa akin.
"Little bunny?"
"Dalawampung taong gulang na ako."
"When's your birthday?"
"Ika-anim ng Enero."
"You had your birthday a week ago, then." Bahagya siyang sumulyap sa akin. "How was it?"
"Ayos lang, Luci," maikli kong sagot.
Wala namang masyadong nangyari noong ipinagdiwang ko ang aking kaarawan. Isa lamang iyong pangkaraniwang araw para sa akin. Kung hindi pa ako binati ng pamilya nina Nanay Isay, baka hindi ko pa maalalang kaarawan ko pala.
"Belated happy birthday, Heaven." Naging mababa at marahan ang kanyang boses. "It's a shame I wasn't there. I would've made sure the day belonged to you... and no one else. After all, you are mine."
"Salamat, Luci," sambit ko.
Nagkaroon muli ng katahimikan sa pagitan namin. Ilang minuto rin kaming ganoon bago siya muling sumulyap sa akin.
"Do you want to rest at a nearby hotel?" tanong niya.
Siguradong nagniningning ang mga mata ko ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa hotel at madalas ko lamang iyong makita sa telebisyon. Sabi sa akin noon ni Nanay na mga mayayaman lang daw ang maaaring pumasok sa mga ganoong lugar.
"Puwede ba, Luci?" Halata ang galak sa aking boses. "Hindi pa kasi ako nakakakita o nakakatapak sa ganoong lugar."
"Anything for you, little lamb," sagot niya.
Sandali siyang tumahimik. "Enjoy this while it lasts... because I don't plan on sharing you ever again."
"Ano iyon, Luci?" tanong ko. May binulong siya ngunit hindi ko narinig dahil abala ako sa pagtingin sa labas.
"I said seeing you happy is becoming a dangerous habit."
Alam kong hindi iyon ang sinabi niya, pero kung nais niyang huwag ko itong pagtuunan ng pansin at hayaan na lang, ayos lang sa akin. Wala akong pakialam kung ano man ang gusto niyang sabihin o mangyari, basta buhay ako.
Lumiko siya sa tila isang liblib at pribadong daan. Namangha na lamang ako nang masilayan ang mga punong napapalibutan ng maliliit na bombilya.
"Ang ganda."
Matapos ang ilang minutong pagmamaneho sa liblib na daan, nasilayan ko ang isang napakaliwanag na gusali sa di-kalayuan.
Bigla akong nakaramdam ng matinding tuwa nang matanaw ko ang isang napakalaking mansiyon. May kalumaan ang disenyo nito at para bang minsan itong naging tahanan ng mga taong may dugong bughaw.
Ito na ba ang hotel na sinasabi ni Lucifer?
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat nito at saka bumaba. Bumaba na rin ako matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Kinuha ni Lucifer ang aking backpack na naglalaman ng aking mga damit at iba pang mahahalagang gamit, pati na rin ang isa niyang bag.
Magkahawak ang aming mga kamay habang tumutungo kami sa pintuan ng gusali. Isang guwardiya at isang lalaking nakauniporme ang sumalubong sa amin.
Kinuha ng nakaunipormeng lalaki ang mga bitbit ni Lucifer at iginiya kami papasok sa hotel. Puno ng pagkamangha ang aking naramdaman nang tumapak ang madumi kong tsinelas sa mamahaling karpet. Inilibot ko ang aking paningin at halos maduling ako dahil lahat ng kagamitan dito ay kumikinang at kumikislap.
Bukod sa babaeng kawani sa resepsyon, wala na akong nakitang ibang panauhin. Tulog na siguro silang lahat.
Lumapit si Lucifer sa babae at naiwan naman akong nakatunganga. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing makakapasok ako sa ganitong lugar. Halatang mamahalin ang lahat ng narito.
Natigilan ako nang may biglang umakbay sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong si Lucifer iyon. Mukhang nakuha na niya ang lahat ng kailangan niya.
"Come on, little bunny." Marahan niyang pinisil ang aking balikat. "I'd rather there were no one else but us."
Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako dahil abala pa rin ako sa paglilibot ng aking paningin sa paligid. Mukhang tulog na nga talaga ang mga tao rito dahil wala na akong ibang nakikitang panauhin bukod sa amin.
Bahagya akong napaatras nang mauntog ako sa likuran ni Lucifer dahil bigla siyang huminto. Sumilip ako at saka ko napansing nasa tapat na pala kami ng elevator. Madalas lang akong makakita ng ganito sa telebisyon.
Pumasok kami sa loob nito, at muli akong inakbayan ni Lucifer.
Nakaramdam ako ng takot nang umandar ito. Napahawak ako nang mahigpit sa kanyang braso. Hindi ko kasi gusto ang mga masisikip na lugar, lalo na ang mga espasyong wala kang makikita kundi mga pader. Ayaw ko sa pakiramdam na para bang nakakulong ako.
Napansin yata ni Lucifer ang aking pagkabahala kaya marahan niya akong hinarap at niyakap. Kusang napadantay ang aking palad sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang malakas at banayad na pagtibok ng kanyang puso.
Totoo nga talaga siya.
Pinakawalan ako ni Lucifer nang marinig namin ang mahinang ding. Pagharap ko, bumukas na pala ang elevator. Muli niyang hinawakan ang aking kamay, at tahimik kaming naglakad papasok.
"You can leave now," saad ni Lucifer sa nakaunipormeng lalaki nang tumigil kami sa tapat ng isang pintuan.
Ngayon ko lang siya napansin. Saan siya dumaan?
Inabutan niya ito ng pera na masaya naman nitong tinanggap. Matapos ibaba ang aming mga gamit ay umalis na rin ito.
Isinakbit ni Lucifer sa kanyang kanang balikat ang mga bag at saka binuksan ang pinto.
Nauna akong pumasok at parang batang paikot-ikot sa silid.
Grabe.
Sobrang laki nito.
Mahigit sampung beses ang laki nito kaysa sa bahay namin. Halatang pangmayaman talaga ang kwartong ito.
Binuksan ko ang lahat ng maaaring buksan. Nang mapagsawaan ko ang pag-iikot, patakbo akong nagtungo sa banyo.
"Lucifer!" masaya kong tawag sa kanya.
Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalinis na banyo. Halatang mamahalin ang lahat ng narito. Pati ang sabon at shampoo ay nasa mga eleganteng bote, hindi sa mga sachet.
Natatawa siyang lumapit sa akin bago ako biglang buhatin. Marahan niya akong inupo sa mamahaling lababo, at hindi ko naman napigilang titigan siya nang masaya. Sino ang mag-aakalang makikita ko nang ganito kalapitan ang mala-Adonis niyang kaguwapuhan?
"Are you happy, my little bunny?"
Nakangiti akong tumango.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong banyo, Luci. Lahat ba ng mayayaman ay may ganiyang banyera?" tanong ko sabay turo sa mala-gintong banyerang nasa isang sulok.
Mahina siyang tumawa, at hindi ko rin napigilang matawa. Sana palagi na lang kaming ganito ni Lucifer-tumatawa at nagiging masaya sa maliliit na bagay. Alam kong hindi kami magkasintahan, pero iyon ang pakiramdam ko ngayon kahit hindi ko pa iyon naranasan kailanman. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kaunting saya at tunay na pagkakuntento sa buhay ko.
"Do you want to eat first or take a bath?"
"Maliligo muna ako, Luci. Ang dumi-dumi ko na kasi," sagot ko habang marahang bumababa mula sa lababo. "Baka magtampo ang pagkain kapag kumain akong marumi."
Nagulat ako nang bigla siyang yumuko hanggang halos magdikit ang aming mga mukha. Hindi niya ako inalisan ng tingin, saka marahan niyang pinunasan ang tuyong dugong nasa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki.
"Red looks beautiful on you." Bahagya siyang ngumiti. "Whether it's your own blood or someone else's, it only makes you look more divine. But I envy every crimson drop that dares to kiss your skin."
Hindi ko mapigilang mapalunok sa sinabi niya. Sa sobrang saya ko, muntik ko nang makalimutang mamamatay-tao pala ang kasama ko. Hindi kami magkasintahan. Hindi rin ito isang date. Wala kami sa isang romantikong pelikula.
Saglit niya pa akong tinitigan bago siya tuluyang lumabas ng banyo.
Muli kong inilibot ang aking paningin sa bawat sulok nito. Pilit kong isinantabi ang lahat ng negatibong pumapasok sa isip ko. Minsan lang akong makaranas ng ganito, kaya susulitin ko na ang bawat sandali.
Napakaganda talaga nito. Sa tingin ko, mas malaki pa ang banyong ito kaysa sa bahay namin sa Sta. Ana. Mas malinis din ito kung ihahambing sa bahay namin.
Napakamot na lamang ako sa ulo nang mapagtantong hindi pala ako marunong gumamit ng karamihan sa mga kagamitang narito.
Lumabas ako ng banyo at nadatnan si Lucifer na nakaupo sa kama habang may kausap sa telepono. Paupo na sana ako sa tabi niya nang bigla niya akong hilahin, dahilan upang mapaupo ako sa kanyang kandungan. Aalis na sana ako, ngunit iniyapos niya ang isang braso sa aking baywang at mas lalo pa akong hinapit.
Hinayaan ko na lamang siya at tahimik na sumandal sa kanyang balikat. Alam kong napakabaho ko na ngayon, pero bahala siya. Siya naman ang may gusto nito, kaya magtiis siya.
Iniharap niya ako sa kanya nang matapos ang kanyang pakikipag-usap sa telepono.
"What's wrong, little bunny?" tanong niya habang marahang hinahaplos ang aking pisngi.
Dumampi sa aking mukha ang mabango niyang hininga.
Uso kaya sa kanya ang bad breath?
Napatakip ako sa aking bibig nang bigla kong maalalang kalahating araw na ang lumipas mula nang huli akong magsipilyo. Sigurado akong hindi na kaaya-aya ang amoy ng hininga ko ngayon. Nakakahiya!
"Why are you covering your mouth?"
"Baka mahimatay ka sa amoy ng hininga ko, Luci," nahihiyang saad ko habang nananatiling nakatakip ang aking kamay sa bibig.
Hindi ko alam kung bakit, pero natawa lang siya.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Sinubukan niyang alisin ang kamay kong nakatakip sa aking bibig, ngunit hindi ako nagpatinag. Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa banyo. Sinara ko agad ang pinto at lumapit sa lababo.
Binuksan ko ang mga drawer sa ilalim nito upang maghanap ng sipilyo at toothpaste. Ang alam ko, may mga libreng gamit na gaya ng mga ito na ibinibigay sa mga hotel at maaaring gamitin o iuwi ng mga bisita.
Nang makita ko ang hinahanap ko, agad akong nagsipilyo. Muntik pa akong mabulunan sa pagkamangha nang kusang bumukas ang gripo nang ilagay ko ang baso sa ilalim nito.
Pagkatapos kong magsipilyo, sinilip ko ang aking sarili sa salamin.
Hindi talaga kaaya-aya ang hitsura ko ngayon.
May mga bakas pa ng dugo sa aking mukha, at magulo rin ang aking buhok. Para akong nakipagsabunutan.
Paano natitiis ni Lucifer ang isang gaya ko?
Hinubad ko ang marumi kong suot at muling tumingin sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking katawan, at mas malinaw na lumitaw ang mga pasa at sugat. Karamihan ay namumula pa, palatandaan ng gulong nangyari kaninang tanghali.
Napahigpit ang aking paghinga habang pilit kong iniisip kung paano ko haharapin si Lucifer kung makita niya ito.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Maaawa kaya siya sa akin o mandidiri? Gusto pa rin kaya niya akong isama kapag nakita niyang puno ako ng mga lamat?
Sino ba ang gugustuhing magkaroon ng isang laruan na puro gasgas at malapit nang masira?
"Little bunny, are you-"
Nagmamadali kong pinulot ang aking mga damit at itinakip sa aking katawan.
Napatigil siya nang makita ako. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, at mukhang napansin niya ang mga pasa sa aking mga braso dahil biglang dumilim ang kanyang ekspresyon.
"What happened, little bunny?"
Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking balat. Maingat na maingat siya, para bang iniiwasang masagi ang mga pasa at sugat ko. Kung alam lang niya na wala akong nararamdamang katiting na sakit-dahil matagal nang manhid ang katawan ko.
"Did those bastards do this to you?" malamig niyang tanong. "I need their names."
Dumilim ang kanyang mga mata habang marahang sinusuri ang isa sa mga pasa ko, parang pilit inuunawa kung gaano kalala ang nangyari.
"If anyone ever dares to hurt what's mine again, I won't stop until there's nothing left of them."
Mababakas mo talaga sa kanyang boses ang galit.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nito ay handa siyang pumatay para sa akin? Handa ba siyang gawin ang lahat para sa isang tulad ko? Handa ba niyang sunugin ang buong mundo para sa akin?
"If you're going to bear scars on your skin, little bunny, they should never come from other people," mariin niyang sabi habang humigpit ang kanyang panga. "The only marks allowed on your skin should be from me. No one touches what is mine and walks away unpunished."
Sino bang niloloko ko?