Tatlong buwan na ang nakalilipas, mula no’ng huling magkausap-usap sila tungkol sa love problems nila ni Thummy. At ngayong araw nga ay napagdesisyunan nilang mag-outing. Nag-file sila ng leave nina Thummy at Angie, samantalang ang dalawa naman nilang kaibigan ay parehong off kinabukasan at panggabi after that. “Playmate, dala mo na ba ang mga gamit mo?” Kasalukuyan silang nagliligpit ng tanungin siya ni Angie. “Opo ready to go na playmate,” nakangiting tugon niya sa kaibigan. “Excited na ako!” kinikilig namang wika ni MJ. “Ako rin super!” sambit din ni Janice. “Teka, eh si Shen ba? Saan tayo kikitain ng babaeng ‘yon?” mayamaya’y tanong naman ni Thummy sa kanila. Kauuwi lang din ni Shenny noong isang lingo kaya naman kumpleto na naman sila ngayon. “Sabi niya rito na raw siya deder

