“Oh, paano ba iyan. Hanggang dito na lang ang ating pagsasama-sama. See you sa coffee shop!” paalam ni Thummy nang nasa labas na sila ng restaurant. “Yep! See you mga ladies!” wika naman ni MJ saka bumeso sa kanila, gano’n din naman ang ginawa ni Thummy at ng iba pang mga kaibigan niya. “Thank you for tonight ladies! Sobrang na-appreciate ko ang mga ginawa ninyo para sa akin, lalo ka na playmate. Super happy ako tonight!” maramdaming saad pa niya sa mga ito. “You’re most welcome playmate. Bernie, ingatan mo si Ayen at umuwi kayo ng safe,” bilin naman ni Angie kay Bernie na tinanguan naman ng lalake. “Bye, ladies! Mag-iingat tayong lahat!” turan naman ni Janice na nakaangkla pa kay Angie. Sabay kasi ang mga itong uuwi dahil pareho naman ng sasakyan ang mga ito. Kumaway pa sila ni Berni

