Habang busy ang mga girls sa pag-uusap-usap ng mga ito ay nagkakuwentuhan naman silang mga lalake. Doon nagkatanungan ang mga ito tungkol sa plano ng mga ito sa kani-kaniyang mga kasintahan. Si Aga at Angie kasi ay malapit na ring ikasal, samantala sina James at Thummy naman ay bago pa lang nagkakaayos kagaya nila ni Ayen. At si Rusty at Janice naman ay nasa stage pa lang ng pagliligawan. Natapos ang usapang iyon, isang plano ang nabuo sa kaniyang isip. Hindi pa sila maaaring magpakasal ni Ayen, dahil sa status niya sa ngayon. Naka-file na ang annulment niya pero medyo matatagalan pa iyon. Kaya ngayon ay naiisip niyang mag-propose na lang muna kay Ayen para sure nang walang kawala ito sa kaniya. Bigla naman siyang kinilig at nasabik sa isiping iyon. Nakita niya si Ayen sa kaniyang imagi

