Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 59 CALVIN’S POINT OF VIEW I never consider myself, perfect. I am far from being perfect. But I am trying to. May mga nagawa rin naman kasi akong pagkakamali sa buhay. Ngunit sa kabila no’n, sinisikap kong piliin lagi kung anong tama at uunahin kung ano ang kailangan. Marami akong mga naging kaibigan ngunit iba ang pagkakaibigan namin ni Jaxon. Nagsimula iyon nang aksidenteng nadulas ako at nabagok ang ulo ko sa gilid ng semento dahilan para dumiretso ako sa swimming pool at walang malay akong nalublob. Kung wala si Jaxon na nakakita sa akin at nagligtas noon, maaring patay na ako noon. Isang utang na loob na hindi ko alam kung hanggang kailan ko pagbabayaran. Isang pangyayari sa buhay ko na kung siya ang nasa kal

