Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 62 IVY’S POINT OF VIEW “Ivy, mahal ko! Kailangan mong, magising! Ivyyyyyyy!” sigaw niya. Biglang bumukas ang aking mga mata. Malalakas na katok sa pintuan ang aking narinig! Nabungaran ko ang isang lalaki! Si Jaxon! Agad ko siyang nasuntok sa tagiliran at agad akong bumangon. May nakita akong Jaxon na nakahandusay at isang Jaxon na nakaharap sa akin. Sino sa kanila ang totoo? Ibig bang sabihin panaginip lang yung nangyari kanina? Hindi totoo ang lahat ngunit maaring mangyari kung hindi ako mag-iingat? Nanaginip lang ako pero bakit parang lahat ng iyon ay parang totoo. “Ivy, may mga guard sa labas at magpipilit na pumasok ang mga ‘yan hangga’t walang haharap sa kanila. Napindot ni Jaxon ang emergency button bag

