CHAPTER 16

1103 Words

TINA Naging masigasig ang panliligaw sa akin ni Harold, sa umaga ay hinahatid niya ako sa aking trabaho at sa hapon naman ay sinusundo niya ako. Hindi naman siya nagtatanong kung sasagutin ko na ba siya o hindi kaya hindi ko pa masabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Kasama ko siya ngayon dito sa apartment ko, kagagaling lang namin sa trabaho ko at dumaan na kami sa grocery para mamili nang iluluto niya. Sa ilang buwan niyang panliligaw sa akin ay parang siya na ang naging taga luto ko. Sa totoo lang mas masarap siyang magluto kesa sa akin. Madami siyang kayang gawin na hindi ko akalain na kaya niya pala. "Harold, pwede ba akong magtanong." sabi ko sa kanya habang nakaupo kami dito sa sofa kakatapos lang namin kumain nang hapunan at nagpapahinga lang kami dito sa sala habang nanono

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD