HAROLD Hindi na muling lumabas si Tina sa kanyang silid hanggang sa matapos kaming mag luto. Inutusan ko si Anew para tawagin si Tina sinabi niyang ako na ang tumawag. Itinuri niya kung nasaan ang silid nito, nang nasa tapat na ako ng pinto ng kanyang silid ay huminga muna ako ng malalim bago marahang kumatok ng tatlong beses. Haindi naman nagtagal ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa pinto hanggang sa tuluyan ko na ngang masilayan ang nakangiting mukha ng aking mahal. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya ako, nakita ko sa mata niya ang pagkadismaya. Hindi ko man pinapakita sa kanya pero nasasaktan ako kapag nag iiba ang pakikitungo niya sa akin. Ganun pa naman hindi ako nawawalan ng pag asa alam ko sa sarili ko na kaya kong mabawi ang pagmamahal niya. "Pasen

