TINA Nandito kami ngayon ni Harold sa tabing dagat and yes we are officially couple, sinagot ko na siya at masayang masaya ako dahil siya ang first boyfriend ko. Hindi man siya mayaman na kagaya nang gusto ni mommy na maging boyfriend ko ang mahalaga mahal ko siya. Siya lang ang nagbibigay sa akin ng dahilan para ngumiti araw araw, mula nang makilala ko siya nagkaroon ako nang dahilan para maging masaya. "Love, masaya kaba ngayon na boyfriend muna ako?" malambing niyang tanong sa akin. "Oo naman, bakit nagsisi kaba na sinagot kita? Masaya ako kapag kasama kita at ikaw lang ang lalaking hinayaan kong maging malapit sa akin at higit sa lahat mahal kita." nakangiti kong sagot. Nakaupo kami dito sa buhanginan habang ang ulo ko ay naka sandig sa kanyang balikat at ang kamay niya ang naka

