TINA Pagkatapos ng encounter namin nila Harold at Rayven sa restroom ay agad kong niyaya si Rayven paalis ng party, hindi ko na kayang magtagal na kasama si Harold sa iisang lugar. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa kaba at takot dahil sa presensya ni Harold. "Hon, I'm sorry hindi ko alam na makikita ko ngayong gabi si Harold sa party ni Alvin." nahihiya kong sabi sa kanya. "Can you tell me the truth, Tina, about your past. Para alam ko kung saan ako lulugar. Bakit pakiramdam ko mahal mo pa rin si Harold. Bakit natatakot ako ngayon na pwede ka niyang bawiin sa akin." malungkot na sabi ni Rayven. Inihinto ni Rayven ang sasakyan niya sa isang park dahil mag mamadaling araw na tanging kami lang dalawa ang tao dito at madalang din ang dumadaang sasakyan. Nakakabingi ang katahimikan

