TINA Ilang araw nang hindi umuuwi si Harold, ni tawag wala hi ndi ko alam kung ano na bang nangyari sa kanya. Uuwi na naman ako sa Penthouse niya na malungkot, aaminin ko hindi na ako sanay na wala siya. Sakay nang jeep binabagtas ko na ngayon ang daan pauwi, hindi ko mapigilan ang maluha. Nakakaramdam ako nang konting habag sa akin sarili, bakit yung mga taong nagmamahal sa akin iniiwan ako si daddy, si kuya ngayon si Harold. Nang makarating ako sa building kung saan naroon ang penthouse ni Harold ay mabigat ang mga paa kong inihakbang ito papasok ng entrance. Ramdam ko ang lungkot na mag isa hindi ko maiwasang hindi maluha, pakiramdam ko wala na akong kakampi. Tinungo ko ang elevator at pinindot ang floor number kung saan naroroon ang unit niya. Pagkapasok ko sa loob nang penthouse

