TINA
Naghahanda na ako ngayon para pumasok sa University, malapit na ang graduation namin kaya naman minamadali ko nang matapos ang lahat nang kailangan kong requirements for my graduation. Sinabihan ko na din si mommy na kung pwede ba siyang maka attend nang graduation ko dahil isa ako sa candidate for Cumlaude pero imbes na maging masaya siya ay nagalit pa siya sa akin.
"You think I'll be proud of your c*m laude award, Tina? To be honest, I'm disappointed. You were even surpassed by my friend's child, who's a candidate for magna c*m laude. So, don't brag about your award to me. If you had focused on your studies instead of just going on trips and attending outreach programs, I might have been impressed." galit na sabi ni mommy.
Hindi na lang ako nagsalita at lumabas na nang bahay para pumasok pag dating ko sa campus ay nakita ko ang kaibigan kong si Hershey na naghihintay sa akin.
"Bakit parang malungkot ka na naman? Is there something wrong Tins?"
"Nothing, alam mo naman kung anong problema ko diba. Pero ayos lang naman ako, hindi pa ba ako masasanay eh palagi naman ganito." malungkot kong sabi.
"Sinabi mo na ba na Cumlaude ka?"
Yes, but my mom is very disappointed, wala daw nakakatuwa sa pagiging cumlaude. Ang anak daw nang kaibigan niya ay Magna cumlaude, kaya very disappointed siya sa akin." halos naiiyak ko nang sabi.
"It's okay, basta kami masaya para sayo. Huwag mo na lang isipin ang sinabi nang mommy mo, baka may problema lang siya kaya nakapagsalita siya nang ganun. Im sure masayadin siya sa achievements mo hindi lang siya vocal." sabi ni Hershey para pagaanin ang pakiramdam ko.
Naglakad na kami papunta sa aming room para gumawa nang mga dapat naming gawin, wala na kaming klase nag aayos na alng kami nang ibang requirements for graduation. Nang mapagod ako ay nag aya na akong pumunta nang canteen para mag miryenda.
Habang kumakain kami ay napapag usapan namin ang mga plano namin after graduation. Wala pa akong na pumasok sa company namin ang gusto ko muna ay makapag trabaho sa ibang company para maranasan kong mamuhay nang normal. May plano din akong bumukod nang bahay kapag nakatapos na ako. Gusto kong maging malaya, malaya mula sa pakikialam nang magulang ko sa buhay ko.
"Tina sama ka sa amin mamaya, mag ba-bar kami nila Christian." aya sa akin ni Hershey.
"Kayo na lang, kailangan kong umuwi ngayon nang maaga dahil may lakad kami nila mommy mamaya. Isasama niya ako sa isang birthday party nang amiga niya." tanggi ko kay Hershey.
Bandang alas tres na nang hapon nang magpasya akong umuwi, hindi pa ako nakakababa nang kotse ay dinig ko na ang parents ko na nagtatalo. Parati naman silang ganyan kapag magkasama dito sa bahay, basta magtatagpo sila dito sa bahay ay naging libangan na nila ang pag aaway.
Tahimik lang akong pumasok sa loob nang bahay na parang walang naririnig sa mga sinasabi nila. Habang silang dalawa ay patuloy sa pag babangayan, mas pinili ko na lang na wag silang pansinin para hindi ako pag initan ni mommy. Sa bahay na ito mas ramdam ko pa ang pagmamahal ni daddy sa akin kahit minsan lang siyang umuwi dito sa bahay. Ang sabi ni mommy ay may ibang pamilya na daw si daddy kaya madalang na siyang umuuwi dito.
Pag akyat ko sa aking kwarto ay agad akong nagpunta sa aking drawer at inilabas ang isang pakete nang sigarilyo, lumabas ako sa may veranda at doon ko ito sinindihan. Hithit buga ang ginawa ko hanggang sa maka dalawang stick ako, ito ang bisyo kong hindi alam nang magulang ko. Natuto akong manigarilyo dahil sa stress ko sa pamilya ko, madalas ito lang ang nakakapagpakalma sa akin. Pakiramdam ko pag nag yoyosi ako ay kalmado lang ang lahat. Noong una ay ayaw kong matutunan ito pero noong isang beses na galit na galit ako sa mundo ay sinubukan ko ito, sabi ng mga kaibigan ko na nag sisigarilyo ay mainam daw itong stress reliever kaya sinubakan ko hanggang sa maging habit ko na kapag stress ako. Maingat kong pinatay ang upos at ibinalot ito sa papel saka ko tinapon sa trash bin kumuha ako nang air freshener at inispray ito sa paligid nang matiyak ko na hindi na amoy usok nang sigarilyo ay pumasok ako sa banyo para maligo nang mawala ang amoy nang yosi sa damit ko.
Tapos na akong maligo nang may marinig akong katok mula sa aking pinto, lumapit ako para pagbuksan kung sino man ang nasa labas nito.
"Iha pinabibigay nang mommy mo, ayan daw ang isusuot mo mamaya pag pumunta kayo sa party." sabi ni manang sabay abot sa akin nang paper bag na may laman na gown.
"Salamat po manang!" maungkot kong sagot.
"Okay ka lang ba iha, mukang malungkot ka na naman. Hindi ka pa ba nasanay sa magulang mo. Hindi muna dapat sila pinapansin."
"Alam ko naman po yon, normal na po sa kanila ang mag away dito sa loob nang bahay. Nagiging okay lang naman po kami kapag nasa mga event at parties para sabihin na na happy family kami, but the truth is matagal lang walang pagmamahalan sa pamilyang ito." naluluha kong sabi kay manang.
Sumapit ang alas siyete nang gabi nakabihis na ako inaayos ko na lang ang make up ko at ang buhok ko nang biglang pumasok si mommy dito sa silid ko.
"Tina mamaya gusto kong kausapin mo lahat ng mga lalaking makikipag usap sayo lalo na ang mga mayayamang negosyante makakatulong yon para mag invest sila sa company natin." utos sa akin ni mommy.
"Mom, baka naman po pwedeng wag niyo na po akong gamitin," reklamo ko kay mommy. Pero isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya.
"Wala ka talagang silbi sa pamilyang ito, kahit kailan pabigat ka. Napakadali na lang nang pinapagawa ko sayo hindi mo pa kayang gawin, hindi ka naman makikipag s*x para kakausapin mo lang mahirap ba yon!" histerikal na sigaw sa akin ni mommy.
Hindi ko nakuhang umiyak dahil sanay na ako sa pananakit niya kapag may iuutos siya at kumokontra ako sampal agad ang aabutin ko sa kanya. Wala akong karapatang mag reklamo kapag siya ang nag sabi dapat susunod lng ako, ganun ang batas ni mommy sa bahay na ito. Nakarating kami sa party na parang walang nang yari all smile sya sa lahat para kaming isang masayang pamilya. Pero sa kabila nang mga ngiti namin ay nagtatago ang isang huwad na pagkatao.
Ipinakilala ako ni mommy sa mga kilala niyang negosyante para akong isang mamahaling bagay na kanyang inilalako sa mga ito.
"Mr. Ramirez, good evening. I want you to meet my daugther, Tina. She' really beautiful, isn't she?"
"Mrs. Dela Cruz, hindi ka pa din talaga nag babago napaganda mo padi. At manang mana sayo ang iyong dalaga. Tiyak na madaming mayayayaman ang magkakagusto sa kanya at isa na ako doon." direktang sabi nang matandang kaharap namin.
"Wala naman masama doon Mr. Ramirez kung sakaling magustuhan mo ang aking anak tyak na mas magiging malakas pa ang ating mga negosyo." nakangiting sabi ni mommy. "Tina, pupuntahan ko lang ang mga amiga ko iwan muna kota kay Mr. Ramirez para makapag usap kayo, Mr. Ramirez ikaw na muna ang bahala sa anak ko." abot tenga ang ngiti ni mommy noong iwan niya ako kay Mr. Ramirez.
Tingin pa lang nang matandang ito ay para na akong hinubaran, sa pag mumuka pa lang niya ay muka na siyang matandang malibog na mahilig pumunta sa bahay aliwan. Ganun ang tingin ko sa kanya. Ayaw ko siyang makasama dahil naalibadbaran ako sa kanya kaya nagpaalam na ako.
"Excuse me, sir. May I be excused for a moment? I need to use the restroom. Thank you." magalang kong sabi.
Pumayag naman siya kaya nag hanap ako nang kunwari'y banyo, nakakita ako nang exit kaya doon ako pumunta. Gusto ko lang mapag isa kesa makipag plastikan sa mga mayayaman. May nakita akong upuan kaya umupo muna ako hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin ang mayak na matanda.
"Tina , why are you here? Akala ko pupunta ka nang banyo, pakiwari ko ay iniiwasan mo ako." sabi niya habang nakangiti na parang demonyo.
"Sir pasensya na po pero wala po ako sa mood makipag usap sa inyo." kinakabahan kong sabi.
Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla niya akong hablutin at hinawakan niya ang maselang parte nang aking katawan. Akmang sasampalin ko na siya nang bigla niyang salagin nang kamay niya ang kamay ko. Kasabay nang pag yakap niya sa akin lumalaban ako pero hayop na matanda to mas malakas siya kesa sa akin. Walang ibang tao dito sa kinaroroonan namin kaya wala akong mahingian nang tulong bigla niyang pinunit ang suot kong damit kaya humantad sa kanya ang aking mapuputing dibdib. Sigaw ako nang sigaw umaasa na may makakita man lang sa akin at tulungan ako.
"You can't escape from me now, young lady. I get what I want. I know what kind of people your parents are. They can be bought with money." para na siyang isang demonyong sabik sa laman habang lumalapit siya sa akin.
"Oh, god please help me!" paulit ulit kong dasal sa aking isipan
Muli niya nanaman akong sinunggaban at pilit na inaalis ang aking kamay sa aking dibdib, nang mula sa kawalan ay biglang may sumulpot na isang lalaki at bigla na lang pinag susuntok ang matandang manyakis, nag laban silang dalawa hanggang sa makita kong duguan ang matanda. Pilit kong inaaninag ang muka nang lalaki pero hindi ko makita. Tanging suot niya lang ang kilala ko na uniporme nang isang waiter. Hinila niya na ako palabas at saka niya hinubas ang suot niyang uniporme at ibinalabal sa akin.
"Miss hindi na kita masasamahan kailangan ko nang umalis." paalam niya sa akin. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya ay mabilis na siyang nakalayo sa akin. Hindi ko man lang natanong kung ano ang pangalan niya at nakita ang muka niya............